A/N:Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa chapter na to, I'm not entirely sure. Basta sabi lang ng devil sa kaliwang balikat ko who's wearing a purple leather jacket na pahirapan ko na daw muna silang dalawa.
Pero si angel naman na nasa kanan wearing a white dress says na wag ko na lang daw patagalin kaya after this good vibes na ulit tayo!
~Stay Cheeky..
*********
THORNE
Naiinis akong nahiga sa kama ko, buong araw iniwasan ako ni Geraldine. Like how we planned to eat lunch outside yesterday, tapos kanina nung aalis na dapat kami ang sabi niya masama daw ang pakiramdam niya at kung pwede ako na lang daw muna ang lumabas.
I offered na dito na lang kami kumain at magpa-deliver na lang pero ang sabi niya lumabas na lang daw muna ako dahil baka mahawa pa ako, kahit alam kong wala namang mali sa kanya.
Wala akong nagawa kundi lumabas na lang muna, at bumili na rin ako ng pagkain para sa kanya.
Pagbalik ko, nakita ko siyang naka-upo sa sala habang nanonood ng kung anong tv show.
"Hey, I brought you food. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko at hindi mapigilang mapangiti dahil halatang nagulat siya.
"Ang bilis mo naman, I wasn't expecting you to be home this early." Sabi niya inirapan ko naman siya.
"Ang sama ko naming tingnan nun kung nagtagal ako sa labas kahit na alam kong masama ang pakiramdam mo. Besides tatlong oras ba dapat ako kung kakain lang naman?" Paliwanag ko at napatango-tango naman siya.
Inabot ko na yun sa kanya at buti na lang kinuha niya.
"Thank you.." Nahihiya pa nitong sabi at naglakad papunta sa kusina, napabuntong hininga na lang ako at hindi na muna siya sinundan.
And that is how I ended up here in my room, buong araw na akong nagkulong ditto dahil sa mga pag-iwas niya sa akin. Kung alam ko lang na ganito ang magiging reaksyon niya ginawa ko na sana ang lahat para hindi umamin. I would've made her like me more para sa oras na handa na siya wala ng iwasan na mangyayari.
Napaupo ako sa nasa isip ko, that's right! I'll tell her to forget about what I said para matigil na ang awkward niyang pakikitungo sa akin and then kahit na ganun itutuloy ko ang balak ko para magustuhan niya rin ako. Until I know she's ready I wont do anything that will scare her again.
Napangiti ako bago tumayo, humarap ako sa salamin na nandito at siniguradong maayos ang itsura ko bago naglakad palabras.
Pero nagulat ako dahil pagkabukas ng pinto nakatayo doon si Geraldine at mukhang kakatok na sana.
"Can we talk?" Tanong niya at tumango naman ako at sumunod sa kanya ng maglakad siya pababa, papunta sa may porch.
"Shadow about yesterday I--" Hindi ko siya pinatuloy at nilagay ang daliri ko sa labi niya para tumigil siya sa pagsasalita.
"Yes we'll talk about that, pero pwede ako muna?" Tanong ko at tumango naman siya. I smiled bago himinga ng malalim at nagsalita.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
ZARIA
Nakatitig lang ako ditto sa harap ng pinto ni Shadow, I know na alam niyang iniiwasan ko siya at ngayon halos buong araw na siyang hindi lumalabas ng kwarto niya.
At dahil mag-isa lang ako, I had the chance to think properly at ngayon gusto kong sapukin yung sarili ko. Umamin na yung lalaking gusto ko, the guy I'm falling for tapos anong ginawa ko? Tumakbo.
Kaya ako eto ngayon trying to gain the confidence para makahingi ng sorry dahil sa reaksyon ko at para na ring subukan na umamin ng nararamdaman ko.
I raised my hand to knock pero nagulat ako ng biglang bumuka syun at bumungad sa akin ang mukha ni Shadow na mukhang nagulat rin dahil nandun ako.
"Can we talk?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Tumalikod ako at dumiretyo sa may porch, tahimik naman siyang sumunod sa akin.
"Shadow about yesterday I--" Lakas loob kong panimula pero nilagay niya yung daliri niya against my lips to stop me from talking. Nagulat naman ako sa ginawa niya.
"Yes we'll talk about that, pero pwede ako muna?" Tumango naman ako. Ngumiti siya then started talking.
"Okay, here we go. Alam kong gulat ka sa sinabi ko kahapon at hindi naman kita masisisi kung iniiwasan mo ako ngayon. I mean I confessed that I like you kahit wala pa tayong isang buwan na magkakilala kaya naiintindihan ko kung bakit ka hindi naniniwala. And it doesn't help na may reputasyon ako sa mga babae. And I'm sorry kung nagpadalos-dalos ako, no let me finish." Pigil niya ng makitang magsasalita sana ako.
"At dahil ayokong masira ang friendship natin, I wish you can forget everything that happened yesterday. Nagsisisi ako so please pansinin mo na ako" Natulala ako sa sinabi niya. Forget about what he said? Nagsisisi? Is this because narealize niya ng hindi like ang nararamdaman niya para sa akin?
Napalunok ako at pinigilan na may Makita siyang emosyon sa mata ko na nagsasabing nasasaktan ako. At sinubukan pa ring sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
"Naiintindihan ko ang desisyon mong kalimutan ang nangyari. But can you please listen to what I'm about to say? Kahit na alam kong pwede ko ring pagsisihan to sa huli." Tumango siya at nginitian ako.
"Thorne I li--" Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko may pumigil na naman sa akin. This time hindi na si Shadow.
"ZARIA!/THORNE!" Sabay kaming napalingon sa pinaggalingan ng boses. Correction mga boses.
Doon nakita ko ang lima na taong kumakaway sa aming dalawa. Ang dalawa sa kanila hindi ko kilala, but I definitely know the other three.
**********
I'll update this weekend, all of my stories! Konting hintay na lang😊
*UNEDITED*

BINABASA MO ANG
My Kingdom For A Kiss (K.N)
FanfictionRoyalty Series 1: My Kingom For A Kiss Zaria Geraldine Mikaelson is a 'too good' to be true real life princess. She grew up with the responsibility of being the next queen. She knows that before she can rightfully take her throne she would need to b...