Bisperas na ng Pasko.
As a tradition, sa may San Ildefonso kami magsisimba. Doon kasi nakadestino yung pamangkin na pari ni Nanay. Pagtapos ng misa, mamamasko na kami. Saya! pero malungkot pa din. Ewan ba.
Panigurado mahirap na naman mag-unli nito mamaya. Tsss. Uso pa naman na kapag mag 12 na, kanya kanyang GM. Hahaha.
On the way na kami papuntang church ng maisipan kong itext na ng advance greeting yung mga close friends ko.
To: Marsians :)
Advance Merry Chistmas sa inyo! Miss ko na kayong lahat! Hinay hinay mamaya sa pagkain ha. :) Iloveyou all. :*
messages sent.
Kanya kanya silang reply sa text ko. Miss ko na talaga ang section na 'to. Sa akin kasi da best ang 2nd year section ko.
Nang nagreply ang tatay-tatayan ko :)
From: Tatay gio
Advance din anak. Kamusta na ba?
Ayun lang! Kahit naman itago ko sa sarili ko. Hindi naman talaga ako okay. Nireplyan ko na kahit hindi talaga ako unli. Importanteng tao e. :)
To: Tatay gio
Ahm. Medyo okay naman po. Ikaw ba tatay?
Message sent.
Sarap talaga umalis kapag gabi. Sarap lang pagmasdan yung mga ilaw. Hays
-Text convo-
Okay naman nak. Bakit medyo lang? May prob?
Nakipagbreak na siya sa akin tatay e. Nagkaalaman kasi sa bahay, alam mo naman hindi pa talaga ako pwede. Ayun! Natakot ata. Hehe
Ay ganon anak. Gara naman ng christmas mo. Okay lang yan, ganun talaga e.
Kaya nga tay e. Sige na baka maubos load ko sayo. Hahaha. Salamat tatay :*
Sge anak. Merry Christmas. :)
-End of convo-
Patuloy pa rin akong nag sight seeing nang may nagtext na naman. Baka si Chie. Simula nung nakipagbreak siya sakin, hindi na niya ako itext at ako din naman.
1 message received: ^daniel
Akala ko naman siya na.
Pindot.
merry christmas :)
merry christmas din :). Sent
Nireplyan ko, knowing na ang sabi ko mga importante lang naman ang itetext ko ngayon gabi. Classmate ko naman e. Haha
-Text convo-
di ba taga- Meycauayan ka?
Oo. Bakit? Haha
Wala naman. Dito kami ngayon sa St. Francis magsimba e.
Ah. Di kami dyan e. Sa may Guiginto kami magsimba. Haha
Sayang naman.
Haha. Cgecge. Hindi ako unli e. Merry Christmas uli. Ingat. :)
-End of convo-
Wierd.
Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa simbahan. Sobrang dami ng tao. Ganito palagi dito tuwing bisperas, dami kasing pakulo ni Tito Pari. :)
Pagtapos ng misa, nagkainan na kami. Nagbatian at nagbigayan ng regalo. Quota ako ng pamasko. Bwahahaha!
------------------------------------------------------------------------------------------------------
HAPPY BIRTHDAY PAPA JESUS! :)
2 am. na din kami nakauwi kanina galing simbahan. Hindi talaga siya nagtext. Grabe
Pag kagising ko, naligo na ako agad at sinuot ang pamasko ko. Hehe. Kahit 15 na ako bata isip pa din e. Hehe
May mga dumadating na mga bisita sa bahay namin tas makikikain.
Yung iba naman grabe makapamasko, kulang nalang buong baranggay dalhin e. Hahaha!
Wala naman magawa. Kaboring. tss
Makapagunli nga. Try ko kung mabilis. Hekhek
YABANG AH! Mabilis ngayon. Kung sino nalang maitext. Haha.
To: ^daniel
hello :)
Magreply naman kaya to? Hindi naman kami close.
From: ^daniel
hello din.
Ayun nga, nagkatext na kami ng classmate ko. In fainess, ngayon ko lang nakatext to ng ganto katagal.
Hindi ko na namalayan at gabi na pala. Magkatext pa rin kami. Wala, kung ano ano lang napapagusapan namin. Okay din pala siya. Sa room kasi, hindi ko siya pansin. Napansin ko lang siya nung minsan magsalita siya. Para siyang lasing magsalita. Haha. Laughtrip kami nun sa kanya. At ayun lang ang pagkakakilala ko sa kanya.
Dito nga pala ako kila Ann matutulog.
Magkatext pa din kami, pero iba nang number ang gamit nya. Nalowbat daw kasi siya kaya humiram siya sa pinsan niya.
Text. Text. Text.
Nang may naramdaman akong kakaiba.
Nakatakot kasi dito sa apartment na tinitirhan ng mga pinsan ko. Hindi na ako nagreply. Natatakot na ako e.
PIkit. pikit. Pikit.
TAE! Hindi ako makatulog! -____-"
Pawis na pawis na ako.
Biglang may nagsalita.
"Ann, Gising ka pa?"
Si Joshua. Kapatid ko.
"Oo, hindi ako makatulog e." si Ann.
Patuloy lang ang paguusap nilang dalawa. Alam kong nararamdaman din nila.
At ako, nakikinig lang at pawis na pawis.
Pinilit ko talaga matulog hanggang maging itim na ang lahat.
--------
A.N: Ayan po, naging horror na. HAHAHAHAHAHA. May pagka true to life kasi kaya pag pasensyahan na.