From: ^daniel
Ako ba may pag-asa sa'yo?
Kalokaaaaaaaaaa! May sinend kasi ako na chain message sa kanya na patanong uli. Tas napunta na dito ang usapan. Gusto ko kasi siyang hulihin e. Kasi nga wala na kami humpay sa pagtetext dalawa. Tsaka parang nagugustuhan ko na siya.
Ano ba irereply ko?
.
.
.
.
To: ^daniel
ahm. Madali kasi akong maattract sa medyo badboy e. kaya. Oo?
Ayun na! Ako ata ang nahuli e. Pero sa totoo lang mayroon na talaga e. Siguro nga ang bilis, pero ganito nalang bigla. Gara.
Sa physical features niya kasi mukhang siga maglakad tapos parang lasing pa kung magsalita. Hahaha! Hindi naman siya ganun kagwapuhan pero yung kalooban niya iba. Sa mga araw na magkatext kami, parang kilala ko na siya.
From: ^daniel
Hindi naman ako naniniwala sa ligaw ligaw na yan. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na mahalin kita ngayon, Pangako. Liligawan kita buong buhay mo.
Tears fell in my face. Tears of joy.
Speechless. First time ko naramdaman to sa tanang buhay ko. Iba yung feeling. Para kang lumulutang.
Natauhan ako. Nandito nga pala ako sa terrace namin at nandito Tita ko. Landi kasi e. Hahaha.
------------------------------------------------------
Simula ng tinext niya sakin yun. Parang paulit uli na sa utak ko yun mga linya na yun.
Hindi naman ako naniniwala sa ligaw ligaw na yan. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na mahalin kita ngayon, Pangako. Liligawan kita buong buhay mo.
May part sa akin na gustong maniwala sa kanya, pero parang ang bilis kasi at baka sa text lang ito.
Patuloy pa din ang pagtetext namin dalawa.
Mamaya naman media noche na! ang bilis talaga dumaan ng isang taon.
Mamaya kami lang apat nandito sa bahay. Tsss. Samantalang mga pinsan ko at mga kapatid ko magkakasama.
Sabi ni Ann susunduin daw nila ako dito mamayang gabi, ang kaso papayag kaya si Tita? Baka hindi yun. Bahala na nga. Kakainggit kasi, may palaro panigurado si Ninong (Papa ni Ann). Pera din yun no! Hahahaha.
Habang nagmumukmok ako, dumating ang mga magugulo. Ang MCS :)
Pinagpaalam ako ni Kuya John kay Tita. HIMALA! Pumayag. Hahaha. Ang saya naman nito, pero may halong lungkot din syempre. Kasi first time 'to na hindi ko sila kasama salubungin ang bagong taon.
Ang ingay namin habang nasa biyahe kami papunta sa bahai nila! Kanta kanta at nantitrip yung iba kong pinsan. Adik talaga to mga 'to e. HAHAHAHA
Pagkadating namin sa kanila, nakaluto na ang lahat ng pagkain. Mamaya galit galit na naman kami nitong mga 'to. Haha!
Lumabasa muna kaming lahat. Soundtrip lang.
"Halika magvideo tayo. Bili! Sayaw kayo jan." hikayat ni Kuya John
Hindi niya itatanong, DANCER kami mga magpipinsan. Bwahahaha. Yabang e nu? Niloloko loko lang ng mga pinsan kong lalaki sayaw nila, pero okay naman. Hilig namin mga K-POP e. Hehehe. Nahawa lang naman ako. ;)