Two weeks nalang FOUNDATION DAY NAAAAAAA! Kyaaaaaaaaaaaaa! So happy :)
Third year ang in-charge ngayon kasi wala ang Fourth year. May ginawa kasing hindi maganda kaya ayun ang parusa nila. Mag-aaral lang sila habang kami, nagsasaya. Hahaha
Section namin ang naasign sa club namin para gumawa ng cheering at magbantay sa mga booth. Assistant kami ng mga Officers :) Kami nga pala ang PINK PANTHER! Corny ba? XD
Busy sa room namin ngayon kasi kailangan ng mga players para sa sports at games.
Mayroon din Showtime! haha. Every year yun dapat may 10-5 mins na sayaw. Pero dapat may kwento yung gagawin namin. Pili lang ang mga kasali dun at Join ako syempre :))
Sumali din ako sa Got talent ng school namin. Hehe. Mag-solo nalang ako para hindi halata kapag nagkamali ako. Di ba? di ba? :)
Isang grupo kami na pinagawa ng cheering at kami ang magtuturo all level na ka-club namin. Isang linggo namin yun pinaghandaan. Sana maging okay -.- Hirap kasi pasunurin nung iba.
1 week before the Foundation Day. Yung sa Showtime naman ang prinaktis namin.
"Isa pa! Isa pa! Hindi tayo sabay sabay e." sigaw ko.
Nandito kami ngayon sa room ng Star section at halos lahat na ng estudyante nakauwi na. Kami ay nagpapraktis pa.
"Sarah oh. Pinabibigay ni Daniel" sabi ni Celine. Kabarkada din niya.
May inabot siyang isang piece ng intermediate paper. Ano ba 'to? Binuksan ko.
Mauna na ako. Ingat ka ha?
Ang laki laki ng papel, eto lang nakasulat. HAHAHAHA. Kaloka ka talaga pare ko!
Pare ko na nga pala ang tawagan namain. Naglelevel-up na daw kasi kami. :))
"Uy saglit lang ah."sabi ko sa mga kasama ko.
Nagsasayaw pa din sila.
Pagkalabas ko. Nandoon siya nakaupo.
"Sige na! Matagal pa 'to e. Ingat ka." sabi ko sa kanya.
Pumasok na uli ako sa loob at nagpraktis kami uli.
Mga ibon nga pala kami. Hehe. Tungkol sa nature kasi yung theme namin.
Isang linggo kaming palaging gabi na umuuwi dahil sa sayaw. Love na love ko talaga ang pagsasayaw kaya nageenjoy pa din ako kahit pagod na.
May isang beses pa nga na sinundo pa talaga ako ng Tita ko sa auditorium kasi inaantay nila ako sa tindahan. Buti nalang at hindi nagalit. Nandoon kasi mga teachers namin e.
---------------------------------
Mabilis dumaan ang mga araw. Hectic at nakakapagod ang week na yun.
Day 1
FOUNDATION DAY NAAAAAAAAAAAAA! :)
Maaga ang mga estudyante ngayon at may parada kasi kami. Every foundation ganito dito, lilibutin namin ang buong lugar ng Bocaue. Wala lang, magmamaganda lang kami. Hahaha
Ay grabe. Kapagod maglakad habang chumichika sa mga kaibigan mo.
Pagdating sa school. Pinagpahinga muna ang lahat. Nagbreak muna.
Mga ilang minuto lang, nagsimula na nag cheering ng every club.
Kami na.
Sugod kaming lahat sa grounds. Malaki ang school namin kaya kasya naman.