Sasabihin ko na ba?
Kanina pa gumugulo ang tanong na yan sa utak ko.
Kasama ko ngayon sila Tatay at mga kapatid ko, nandito kami ngayon sa jeep papunta sa bahay nila Ann. Matagal na kasi ako kinukulit ng pare ko na sabihin ko na sa mga magulang kong nanliligaw siya.
Gusto ko naman talaga kaso nga lang.
Natatakot ako.
Naiisip ko kasi na pagalitan kaagad ako. Natatakot ako sa mga salitang pwedeng sabihin nila sa akin. Ang bata ko pa kasi talaga, pero iba yung ngayon. Iba yung nararamdaman ko sa kanya.
Inaamin ko.
Nahulog na ako, at tingin ko mahal ko na siya.
Siguro kung iisipin masyadong mabilis, pero ewan ko ba. Bigla ko nalang naramdaman ng walang dahilan.
Totoo nga ang sabi nila.
Love moves in mysterious ways
Patuloy pa din ang paguusap ng mga kapatid ko at tatay ko habang nasa biyahe kami.
Nakakakaba naman 'to. Tss
Hindi naman siguro magagalit si Tatay? Bagets din kasi 'to e. Tropa tropa chill kami. Hehe
"Uhmm. Tay?"
"Bakit anak kong maganda?"
Tumingin ako ng masama sa kanya. Hilig mambola talaga nitong tatay ko e. Kaasar.
"Psh! Tatay naman e!"
"O bakit ba?"
"Kasi ano.. uhm.. ano po.. may nanliligaw na sa akin."
Naramdaman ko ang init na umakyat hanggang ulo ko, at alam ko sa mga oras na 'to namumula na ako. Ayoko ng mga ganitong usapan e. Nakaka-ewan.
Nasabi ko din! Whooo.
Biglang sumeryoso ang mukha ni tatay.
"Sino naman yan?"
"Kaklase ko po."
"Hindi naman masama yang ligaw ligaw na yan, basta dapat alam mo ang uunahin mo."
"Alam ko naman yun tatay! Tsaka sabi ko, antayin niya muna na magtapos kami. Magantay naman daw siya."
"Basta anak ha."
"Opo tatay!"
"Sabihin mo, mag-inuman kamo kami. Kapag natalo niya ko pasado na siya."
Daanin daw ba naman sa inuman?? Tatay talaga e. Pero alam ko naman na nagbibiro lang siya. Pero natawa din ako sa isip isip ko, malakas kasi talaga uminom si pare ko. Hehehe. Ano kaya mangyari kapag nangyari yun?? Hahaha.
"Tatay naman e!"
"Ganoon talaga anak."
Hanggang sa nagkakwentuhan na. Kilala na din kasi ng mga kapatid ko si Daniel. At nasabi ko na din na, dating player ng basketball sa lugar namin yung tito niya. E si tatay din naglalaro dati sa may amin. At sa hindi ko inaasahan, magkakilala sila, pati yung daddy ni Daniel kilala niya.
Mukha naman naging maganda ang resulta ng pagsasabi ko kay Tatay.
Papakilala ko na siya sa birthday ni tatay. :)
Tinext ko siya kaagad.
To: ^pare ko
nasabi ko na.
![](https://img.wattpad.com/cover/14419579-288-k3ffbcb.jpg)