Nagising ako dahil sa mga boses ng mga naguusap sa kusina namin.
Haynako! Pinaguusapan na naman nila tita ang tungkol sa boyfriend issue na yan! Tss. Eto kasing isang pinsan ko, nadulas sa Mama nya at pati kami ni Ann nadadamay. Kaya ngayon nagkakalabuan kami ni Chie. Tago lang din kasi yung relasyon namin, kaya pati ako kabado. Christmas break na christmas break may problema! Haaaaays. STRESS!
Makabangon na nga. Tinignan ko itong katabi ko, parang walang problema oh! Hahahaha. Si Allex yun, ang pinsan kong nadulas. Hehehe. Pero love ko pa din syempre.
Tinignan ko muna yung cp ko bago tuluyang bumangon.
From: Yam
Yam hindi ko na kaya. Sorry. Advance Merry Christmas. Ingat ka palagi.
Biglang may luhang sumilip sa mga mata ko.
Sa totoo lang, hindi naman ganun kaseryoso yung relasyon namin pero napamahal na din siya sakin sa loob ng apat na buwan. Naging rebound kami sa isa't-isa. Inamin naman namin yun, hindi kasi ako makapagmove-on sa first relationship ko ganun naman sya sa past relationship nya. In short, NAGTULUNGAN. Wag nalang nag-gamitan. Ang pangit ng term.
HAY! Tama na nga kadramahan sa buhay. Hindi dapat dinidibdib ang mga ganyang bagay.
Ako nga pala si Sarah Francisco :) 15 years old. Third year High school. Maliit. Loka-loka. Madaldal. Hehehe. Kanina pa kasi ako daldal ng daldal, hindi nyo pa naman ako kilala.
Eto, babangon na talaga ako. Tahimik lang ako habang nasa bahay pa para hindi mapansin ni Tita. Mamaya maya kasi pupunta kami sa bahay ng mga pinsan ko. Ganito talaga ang pamilya namin tuwing Christmas season, at Birthday kasi ng Kuya John namin.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Kinahapunan, nandito na kami sa bahay ng mga pinsan ko.
Nakoo! Riot na naman ito for sure! Close kasi kami magpipinsan, lalo na at hindi nagkakahulihan ang mga age namin. Ako ang panganay sa mga babae kahit ako pinakamaliit. Hahaha.
"KAINAN NA!"
"Yun oh!"
"Halika na bili, nagugutom na ako e."
Galit galit muna kami magpipinsan. Hehehe
MCS: " Happy Birthday to you.. Happy Birthday to you... Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday to you...."
(MCS- Ayan ang tawag sa grupo namin magpipinsan)
Pagtapos ng kainan, kanya kanya na kaming chikahan magpipinsan.
"Wala na kami ni Chie." sabi ko kay Ann
" Hala, bakit? Anong nangyari?"
"Kasi nga di ba nalaman nila Tita yung mga tungkol sa mga BF natin, sinabi ko sa kanya yun tapos natakot ata. Siya pa nga nakipagbreak."
"Wag kang mag-alala, siguro hindi pa talaga siya yung para sayo. Dadating din yun, kung sino man siya." aniya.
Sa aming magpipinsan, si Ann ang pinakaclose ko. Sa kanya ko talaga nasasabi ang lahat kaya I'm very thankful to have her :) ang babata pa namin pero malalandi na db? Hahahaha. Nagmamahal lang. Hihi ;)
Siguro nga dadating din siya. Kailan kaya?
---------
A.N: Sa makakabasa man nito. Pasensya po. Wannabe Writer lang ako :)