Kinabukasan, hot topic namin magpipinsan ang nangyari kagabi.
"Gising pa nga kami ni Ann kagabi e." panimula ni Joshua.
"Oo nga. Kung anu ano na nga lang pinagkukwentuhan namin para hindi lang matakot. Ang gara kasi ng aura kagabi." sabi naman ni Ann.
"Naririnig ko pa kaya kayo kagabi." sabi ko.
"Bakit hindi ka nakisali sa usapan namin?" tanong ni Ann.
"Ayoko na magsalita kagabi, may parang naririnig kasi akong kakaiba kaya tumahimik nalang ako" pagpapaliwanag ko.
"Parang may nakatingin nga sakin kagabi ate e" sabi ni Joshua sa akin.
Tinigil na namin ang paguusap nang pinag-gayak na kami ni Kuya John.
May gala kasi ang MCS ngayon, dahil may mga napamaskuhan pupunta kami ng mall.
--------------------------------
Nakaayos na ang lahat kaya GORA NAAAAA! :))
Habang nasa biyahe, katext ko pa din sya. Nagtataka nga daw siya kasi bigla nalang ako nawala kagabi. Kwinento ko naman kung ano ang nagyari.
From: ^daniel
Ingat kayo ng maigi ha. :)
To: ^daniel
Oo naman tay! Kami pa! Haha. Parang kang tatay kung makapagsabi ng ingat. Hahaha
From: ^daniel
Ayoko ng tatay.
To: ^daniel
Bakit naman? Edi kuya nalang :))
From: ^daniel
Ayoko din no. Basta ayoko ng parang kamag-anak.
Ano daw? Magreply pa sana ako ng may nagtext.
From: 8888
Expired na ang iyong unli********
Ay oo nga pala! 1 day lang ang inunli ko kahapon.
Hayaan na nga! Ano kaya ibig sabihin niya dun sa last text niya? Wierd.
----------------------------------------------------------------------------
Sa mall.
As usual! Hiwalay na naman ang boys sa girls. Ang mga boys ay magdodota. At kami naman ay manunuod ng sine. May kasama din naman kaming isang lalaki kong pinsan. Si Chistopher. Hindi kasi siya mahilig sa mga games games, pero hindi siya bakla :)
Ang dami talagang tao kapag katatapos lang magpasko. Pero nanuod pa din kami ng sine. Nagkuwentuhan lang kami ni Christopher. Hahaha. Nag- gaguhan lang kaming dalawa. Kababata ko kasi 'to kaya close din kami.
Habang nasa sinehan kami, tingin ako ng tingin sa cellphone ko. May pagkakataon na walang message, minsan naman merun. Si Daniel.
Pagkatapos magsine, napadaan kami sa may loading station.
Papaload o hindi?? -___-"
Mahirap mag-unli. Sayang lang ang load.
Tss. Paload na nga.
Nagpaload ako ng P100. First time ata to!
Nagtry ako magunli. Pero ayaw talaga. Badtrip.
To: ^daniel
Uy sorry, nwalan ako ng unli kanina e.
Message send failed.
Hindi na nga makapag-unli ayaw naman masend, Ay! Wag na nga. Tsss.
----------------------------------------------------------------------------------
Bago kami umuwi, doon na din kami nagdinner at busog na busog na naman ang MCS. :))
Ang saya lang talaga nila kasama. Hay pinsans.
Nang makarating na kami sa bahay, nagtry na ako mag-unli.
Ayown! Na-unli din.
Tinext ko siya kaagad.
Nagreply naman. Mukhang naantay talaga ako magtext nito ah. HAHAHAHAHAssuming!
Tulad kagabi, magkatext kami hanggang midnight. Nagkaroon na din kami ng Call sign. kasi close na naman kami, sa TEXT nga lang.
PARE na tawagan namin, at ang sabi niya sakin. Tandaan ko daw ang date na ito kung kailan naging magpare kami.
December 26, 2009
Tinanong ko siya kung bakit, pero sabi niya basta daw. Hindi ko nalang kinulit. Antok na ako e. Hehe
-------------------------------------------------
Nagpatuloy pa yung pagtetext namin dalawa hanggang isang gabi...
To: ^daniel
Anong level ako sa buhay mo?
Level 1: friend
Level 2: parang kapatid
Level 3: close friend
Level 4: true friend
Level 5: bestfiend
Level 6: crush
Level 7: more than friend
Level 8: special someone
Level 9: mahal mo
Level 10: Girlfriend/Boyfriend
Pakisagot :) Forward mo din sa iba para malaman mo kung ano ka sa buhay nila.
Natripan ko lang isend. Wala naman masama. Ang kire ko talaga. Hahahaha. Nasa EK nga pala siya ngayon pero magkatext pa din kami.
From: ^daniel
Level 7
Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. E sandali palang kami nagkakakilala nito, tas ganun agad? Tss. Ang alam ko pa nga ay kakaamin niya lang sa crush niya na mahal niya ito nung nagkainuman sa bahay ng kaibigan nila.
Pero kinilig ako.
From: ^daniel
Fireworks na! :)
To: ^daniel
Oh? Saya naman niyan. Gustong gusto ko pa naman manuod ng mga firework display :)
From: ^daniel
Ako rin e. Lalo pa kung kasama mo yung gusto mo. Haha
To: ^daniel
Oo nga. Haha
Totoo kaya pinagsasabi sakin nito?
