"Sarah doon ka." turo ni ma'am.
Pumunta na ako sa upuan na itinuro ni ma'am. Sa pinakagilid ako. Saya nito! Katabi ko ang wall. Malaki laking sandalan.
Natapos ng ayusin ni ma'am ang sitting arrangement namin. Iginala ko ang mata ko sa paligid at tinignan kung saan nakaupo ang mga kaibigan ko. Pati siya hinanap ko din. Ka-row ko siya pero second to the last line siya. Katabi niya yung isa kong friend.
Yung moment na patingin ka pa lang sa kanya, siya nakatingin na.
We smile at each other.
Okay! Tama na ang landi. Aral aral din.
At pumasok na ang First teacher namin.
Nakinig lang ako sa mga lessons and discussions. Magsusulat kapag may pinapakopya na lecture. Nasa bakasyon pa ata ang utak ko. -.-
Tinignan ko yung orasan. Malapit na pala mag-12. Gutom na ako. Tsss
*teng teng teng*
Angelus na. Dahil nga Catholic school. Every 12 pm nagdadasal kami. Babait namin no. Chos. Hahaha
"The angel of the Lord declared unto Mary"
"And she concieved by the Holy Spirit"
"Hail Mary..... Holy Mary....."
Ramdam ko na may nakatitig na sakin.
Bago umupo, tumingin ako sa lugar niya.
As usual, nakatingin nga.
Kung yelo lang ako siguro kanina pa ko tunaw. Adik na 'to.
Nakinig na uli ako sa teacher namin. 15 mins. nalang kakain na kami. Yieeeeeeeee.
"Bukas may quiz tayo ha."sabi ni Sir.
"Okay po Sir!" matamlay naming sagot.
Tumayo na ako at gutom na gutom na talaga ako. Hehe.
"Bes! Halika lunch na tayo."
"Si Ced antayin natin."
Inantay muna namin si Ced sa labas. 1 minute. Ayan na siya.
"Kain na tayoooo!" Gutom na to si Ced. Hahahaha. Halata e.
Ilang hakbang lang naman ang canteen sa room namin. Kapitbahay lang namin ang canteen, saya di ba? :)
Diretso kami ni Ced sa loob ng canteen, at si bes naman ay doon sa favorite place namin.
(ayan yung favorite tambayab namin -------> :))
"Dalawang chicken skin po. Pareho po 2 scoops ng rice."
Tag tipid kami nito ni Ced e. Kaya kanin ang madami, titipirin lang ang ulam at mambuburaot ng ulam kay Bes. Bwahahaha
Bumili lang kami ng maiinom at pinuntahan namin si Bes. May baon kasi yun kaya nandun na siya agad.
"Tagal niyo naman! Nagugutom na ako e." reklamo ni Bes.
"Dami kayang tao!" sabi ko.
"E sino ba kasing nagsabi sa'yo na antayin kami."sabi ni Ced.
Ang mean talaga nito ni Ced. Hahaha.
"Syempre naman mahal na mahal ko kayo kaya ko kayo inantay!"sabi ni Bes sabay irap.
"Kumain na nga tayo!"sabi ko.
Nagsimula na kaming kumain tatlo. Tahimik lang. Galit galit muna kasi nga gutom na. Haha. Dito din kumakain ang iba namin kaklase. Sarap kasi tambayan nito e. Lamig pa ng hangin.