Chapter 3- The Bet

3.5K 47 13
                                    

KATHRYN'S POV

Second week ko na ngayon sa school ko. Salamat naman kasi may mga bago na akong friends. Meron na rin akong laging kasa-kasama, ang barkada.

Maganda naman sa The Master's Academy. Maayos. Kaya lang, yung mga babae dun, puro chismis ang ginagawa. Puro lalake inaatupag. Madami ding nangungulit na lalake sa akin, mga players ng soccer team at basketball team, ag kukulit nila sobra. Pero, wala naman akong pake sa kanila. Kaya lang, ayaw kasi akong tantanan nung Marco Gumabao na yun. Pero, hindi ko naman siya papansinin. The more na ieentartain mo kasi ang isang tao, mas lalo ka lang kukulitin.

Andito na ako sa kusina, kakain na ng breakfast. Inaantay ko nalang yung driver ko kasi hindi ako makakasabay kay Julia ngayon kasi dumating daw yung Kuya Joseph niya.

"Chandria, nagtext si Mang Boy, hindi ka daw niya maipapagdrive kasi nagkasakit daw yung bunsong anak niya."

Sabi ni Yaya habang nilalagyan ng orange juice ang baso ko. Juice ang iniinom ko tuwing umaga, hindi gatas. Ewan ko, nasanay na ako eh.

"Huh? Ya, paano yan? Si Julia kasi, kasabay na si Kuya niya. Eh nagbreakfast daw sila sa labas."

Sabi ko kay Yaya. Naku, paano na kaya ako papasok? Hindi kasi ako sanay mag-commute. Actually, never ko pang na-try mag-bus, mag-jeep, and even tricy.

"Ay ganun ba? Hmm sige tatawagan ko si Mang Boy para maihatid ka man lang niya ngayong umaga.."

"Wag na po Yaya. May sakit po yung anak niya?"

"Oo, may dengue daw eh.."

"Ay, wag nalang po. Wag mo ng tawagan."

Kawawa naman yung anak ni Mang Boy. Bibistahin ko nalang siya mamaya after class, para mapagdalhan ko ng fruits.

"Sige, tatawag nalang ako ng taxi."

"Ah, hindi na Yaya. Ako nalang mag-drive."

"Sigurado ka? Nako Chandria, baka ako malagot sa Daddy mo niyan."

"Opo, malapit lang naman ako school eh. Di ka naman malalagot Ya, basta wag mo nalang ako

isusumbong ha?" ^____^

Sabi ko, with a big smile on my face. Kasi naman, ayaw pa ako pag-drive ni Daddy. Marunong naman na ako mag-drive. Pero sabi niya pag 18 na daw ako, dun nalang daw ako mag-drive. Kaya kinuhanan niya muna ako ng driver. Pero ngayon, I'll use my driving skills. Hahahahaha.

Pinakuha ko na ang susi ko, at ngayon nasa kotse na ako.

"Chandria, mag-ingat ka ha? Naku bata ka, baka ako ang malagot sa parents mo niyan. Mag-taxi ka nalang kaya?"

Hahaha. Ang sweet ni Yaya masyado siyang concerned sa akin. That's why I love her so much.

"Hindi na po Ya, akong bahala. Sige po, bye!"

Sabi ko, sabay sara ng pinto.

*engine starts*

Ayyy. Wait, chineck ko ang gamit ko, at pagtingin ko, wala yung cellphone ko. Bumaba ako sa kotse at tinawag ulit si Yaya, good thing, hindi pa siya nakapasok at andito parin siya sa may labas ng gate.

"Oh? Mag-taxi ka nalang?"

"Hindi po. Yaya, pakikuha naman yung cellphone ko. Naiwan ko eh."

"Sige. Saglit lang."

Umalis na si Yaya, at ako nakasandal lang ako dito sa may kotse. Nandito ako sa labas, ang sarap talaga ng hangin pag umaga!! Fresh air it is. Pero, napansin ko, may kotse dito sa harap ng bahay. Actually, moving siya. Pero slow-mo. Huh? Weird. Hayaan ko nalang.

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon