Paalis na sana ako ng gate nila Kath ng biglang bumukas. Paglingon ko, nakita ko si Kath.
Pero balewala ako sakanya, kumbaga parang hindi niya ako nakita. Naglakad-lakad lang siya, hindi ko alam kung saan siya papunta, pero sinusundan ko siya. Anong oras na? 11pm tapos kung saan-saan pa siya pumupunta?
"Kath!" tawag ko sakanya, pero hindi man lang lumingon.
Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi man lang ako pinansin. Andito kami sa may park ngayon. Nakasandal siya sa isang puno. Tulala. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit.
Pero pag nakikita ko siyang ganyan, nasasaktan ako.
"Kath.."
Nasa harap ko siya ngayon, pumunta ako sakanya. Eto na, kakausapin ko siya. Kahit na, galit pa rin ako dahil nagawa niya akong ipagpusta sa mga kaibigan niya. Wala siyang karapatan para gawin yun sa akin.
"Ano pa bang sasabihin mo, Daniel? Pwede ba, umalis ka na. Gusto kong mapag-isa."
Sinabi niya yun ng hindi man lang tumingin sa akin.
"Kausapin mo kasi ako!" sigaw ko at napatingin naman siya sa akin.
"Wala.. Wala tayong dapat pag-usapan."
"Madami tayong dapat pag-usapan. Anong ginawa mo sa akin Kath? Bakit mo nagawa yun?!"
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya, at pilit niyang inaalis ito.
"Bakit? Anong masama? Wala naman diba? Kung ikaw nagawa mo akong pagpustahan, pwes ako rin."
Pero, hindi. Ramdam ko nagsisinungaling lang siya. Alam kong hindi totoo. Alam ko. At naniniwala ako sa sarili ko. Nak ng. Hindi ko kayang tignan si Kath ng ganito. Iba siya ngayon, hindi katulad ng masayahin na Kath na nakikita ko.
"Masaya ka ba, Daniel? Masaya ka ba kasi nanalo ka sa pustahan niyo? "
This time, tinignan na niya ako. Napansin kong namamaga ang mga mata niya. Umiyak kaya siya? Tangina Daniel, malamang.
Hindi ko nasagot yung tanong niya, lumapit nalang ako sa kanya at hahawakan ko sana ang kamay niya, kaya lang iniwas niya yung kamay niya.
"Now tell me, masaya ka ba kasi nanalo ka sa pustahan niyo? Masaya ka ba kasi may maidadagdag ka na naman na babae sa mga listahan ng mga babaeng nabiktima mo? Masaya ka ba kasi wala pang nakakatalo sayo? Masaya ka ba kasi---"
Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya, niyakap ko lang siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at niyakap ko siya ng ganito, and now she's crying. Ahh f*ck! I hate it when she's crying.
Kumakalas siya sa pagkayakap ko, pero mas lalo kong hinihigpitan yung pagkayakap ko sakanya.
"Daniel ano ba! Hindi pa ba sapat yung ginawa mo sa akin? Tama na. Wag mo na akong kausapin. Wag mo na akong lapitan. Napakatanga ko kasi naniwala ako sa sarili ko na hindi ka katulad ng inaakala ng ibang tao. Akala ko mabait ka. Pero mali ako, tanga ako. Nanindigan ako na hindi ka ganun, hindi ka katulad ng inaakala ng iba. Pero hindi eh, tama sila. Bobo ko lang kasi nagpaloko pa ako sayo."
"Kath.."
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Kanina, galit ako. Oo inaamin ko galit ako dahil sa sinabi niyang pinagpustahan niya ako. Pero bakit ganito? Bakit siya nagkakaganyan? Pati ako. Nak ng teteng naman oh.
"Akala ko ba gusto mo makipag-usap? Bakit di ka nagsasalita? Ha? Mr. Padilla?"
"Kath.. Bakit..... Bakit mo nagawa sa akin yun?"
BINABASA MO ANG
The Game of Love
FanficSi Daniel, isang hearthrob sa school at sumali sa pustahan na sa loob ng tatlong araw, mahahalikan niya ang new student na si Kathryn.. Pero dumaan na ang ilang araw, ilang linggo, at dumaan ang buwan, wala siyang nagawa para magawa ang napagpustaha...