Chapter 11 - Two Can Play The Game

3.3K 53 29
                                    

KATHRYN'S POV

"Kath. May gusto akong sabihin sayo."

Lumapit sa akin si Daniel at hinawakan ag magkabila kong kamay.

"Daniel.."

Lumapit lang siya sa akin at sobrang hinigpitan niya ang hawak niya sa dalawang kamay ko. Hindi ko alam kung anong meron, pero sobrang bilis ng tibokg ng puso ko. Kinakabaha ako sa kung ano man ang sasabihin niya. Sa pag-uusap at pagsama namin ni Daniel ngayon, aaminin ko. Gusto ko siya. Gusto ko siya maging masaya. Gusto ko siyang alagaan. Gusto kong gawin ang mga bagay na iniisip niyang hindi dapat para sakanya.

"Kath.. I just want you to know how deepy I regret everything. Simula ng makilala kita, naging di maayos yung buhay mo. Dahil sa akin, dahil kay Zharm. And more than anything else, what pains me the most is the fact that I am the one who has caused you so much of suffering and pain. Kath, alam ko kahit hindi mo sabihin. Naapektuhan ka sa nangyayari, alam ko nasasaktan ka sa ginagawa ni Zharm sayo at yung mga naririnig mo sa ibang tao."

Sa sinabing yun ni Daniel, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa lahat ng sinabi niya. Habang sinasabi niya sa akin yung mga salitang yun, nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko. Parang pati mga mata niya, nagsosorry sa akin. Hawak hawak parin niya ang kamay ko, sobrang higpit. Magkaharap lang kami ngayon, sobrang lapit.

"Kath, please believe me.."

Naguguluhan na ako sa nangyayari pati sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano yung nafifeel ko ngayon. Naguguluhan ako. Nakatingin lang ako kay Daniel at pati siya nakatingin lang sa akin. Hindi niya tinatanggal ang tingin niya sa akin..

"Kath, believe me.. Hurting you was not my intention.. I'm sorry sa lahat ng nangyari.."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Nakatingin lang ako sakanya, at mas lumapit siya sa akin. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Magkasandal ang bawat noo namin. Tinanggal niya ang paghawak niya sa dalawang kamay ko.

Hinawakan niya ako sa likod ko..

Ang bilis ng pangyayari.

I feel his lips..... on mine.

Napapikit nalang ako sa nangyari. I can still feel his lips.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. We're kissing!! I don't know what's happening.

***BOOOG

"Gago ka! Anong ginagawa mo Daniel?! Tangina ka di ka parin nagbagong gago ka!!"

Wait. What? Pagkabukas ko ng mata ko si Daniel nakaupo na sa soccer field. Nakita kong may hawak siya na cellphone. Paglingon ko naman sa gilid ko si Marco. Teka.. Ano bang nangyayari?

Tumayo naman si Daniel at sabay nag-smirk.

"Wow, Marco. Diba ganito din gawain mo? Pero, sorry ha. Nauna ako kay Kath eh."

Ano bang pinaguusapan nila? Hindi ko sila maintindihan. Naguguluhan na ako. Kanina, kiniss ako ni Daniel. Tapos ngayon, dumating si Marco at sabay sinuntok siya. Pinagmumura pa siya ni Marco. Tsaka anong sinabi ni Daniel? Nauna siya? Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari.

"Teka! Ano ba meron? Marco, bakit mo siya sinuntok?!"

Sigaw ko kay Marco, na ngayon ay nasa tabi ko. Habang si Daniel, nasa harap namin pero hindi kami masyadong malapit sa isa't-isa.

"Kath, pinag-pustahan ka lang nila ng mga kaibigan niya."

Sa sinabing yun ni Marco, nagulat ako. Pero hindi, hindi pwede. Kaka-sorry lang sa akin ni Daniel diba? Tsaka, nagkwento na siya sa akin ng lahat-lahat diba? Hindi pwedeng pinagpupustahan lang din niya ako.

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon