Chapter 15- I Love Her

3.1K 55 21
                                    

Hello guys! Before anything else, sorry for the late update. Dumating kasi yung Daddy ko eh. So ayun, super bonding to the max! Hahaha. So, sorry. Tsaka, simula na kasi ng classes, baka every Monday and Friday lang ako makaupdate. So, ayun. Sana suportahan niyo parin yung story ko kahit mejo late na ako nakaka-update. Please? Thank you!

Dedicated kay agoodgirlgonebad. Basahin niyo story niya. Ganda:">

Nga pala, pakibasa naman yung one-shot story ko. Tinry ko lang eh. Hahaha =)) nasa may external link! basahin niyo muna yun bago niyo basahin tong update ko dito ha? Salamat!! :D

Don't forget to vote, comment and be fan. Thanks guys! ♥

xoxo barbie

=======================================================================

JULIA'S POV

Nandito kami ngayon sa restaurant ni Diego. Niyaya kasi niya ako. Hindi ko naman siya mahindian, pero nagdadalawang-isip din ako kasi nga kay Kath. Buti nalang nandun si Marco. Kaya natuloy itong dinner namin ni Diego.

"Ladies first." sabi ni Diego sabay ngiti.

Nauna naman akong maglakad, at pumasok sa isang mamahaling restaurant. Napansin kong madaming nakakalat na rose petals sa floor. Hindi naman Valetines ha? Bakit kaya?

Umupo na kami at inabutan kami ng menu. Sabi ko kay Diego, siya nalang yung mag-order. Hindi pa kasi ako nakakakain dito sa restaurant na ito kaya di ko alam kung ano yung specialty nila.

"Hmm. Ano palang meron?" 

Tanong ko kay Diego. Hindi ko kasi alam kung ano bang okasyon ngayon, alam ko hindi naman ngayon ang birthday niya. Hindi din naman ngayon ang birthday ko. Hmm, first date ba namin to? Kyaaaaaaaaaah :"""">

"Ipapakilala ko sayo yung babaeng mahal ko."

Seryosong sabi ni Diego. Wala na akong nasabi. Napatitig nalang ako sakanya. Hindi ko alam pero biglang tumigil lahat sa akin. Nanlalambot yung tuhod ko. Gusto ko ng umiyak, pero pinipigilan ko. Bakit? Bakit ipapakilala pa sa akin? Kung alam ko lang, sana hindi na ako sumama sakanya.

Dumating na yung food namin, pero hindi ko inubos yung inorder niya para sa akin. Wala akong gana. Gusto ko na ngang umalis eh, kaso umuulan. Hindi din ako makakauwi agad. Nakakainis. Bakit kasi sakanya pa ako nagkagusto?

"Excuse me, powder room lang ako."

Nagpaalam ako sakanya at dumiretso sa powder room. Pagkapasok na pagkapasok ko palang, tumulo na agad yung luha ko. Matagal ko ng gusto si Diego, sobrang tagal na. Hanggang sa minahal ko siya. Pero, bakit ba kasi ako nasasaktan ng ganito? Bakit kasi ako umasa na magugustuhan niya rin ako?

*tok tok tok

"Maam Julia?"

Binuksan ko yung pintuan ng powder room. Oo pala, nilock ko eh. Baka kasi may makakita sa akin na umiiyak ako. Pinunasan ko agad yung luha ko at humarap sa babaeng kumakatok. 

"Bakit po?"

"Maam Julia right? Halika po.."

Hinila niya ako papalabas ng powder room, paglabas naman namin. Wala ng tao sa restaurant. Pati si Diego, wala na. :( baka sasabihin nitong babae na close na sila? Hayy. Sana sa bahay nalang pala ako nag-drama.

"Uhm, Maam.. Here."

May inabot siya sa aking note. Ang nakalagay...

"Some say that red roses are sweet. But I think, white is the sweetest. Go, and look for the white rose.."

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon