Chapter 1- First Day

5K 73 19
                                    

KATHRYN'S POV

"Chandria, gising na. Nakakahiya naman kung late ka papasok sa new school mo. Bangon na jan." Mommy.

"Hmmmm... Yes mom."

First day ko ngayon sa new school ko. Sa Northville kasi ako nag-aaral dati, pero lumipat kami ng house kaya malayo na 'to sa Northville. Sa The Masters Academy na ako mag-aaral, starting today. Huhuhu. I'm gonna miss Northville -___-

By the way, I am Kathryn Chandria Bernardo. 17 years old. 4th year highschool. Only child ako, so ayun. Lahat ng gusto ko, nasusunod. Pero hindi ako katulad ng iba na spoiled brat. Ang Mommy at Daddy ko, sa States sila nag-sstay, kasi may business kami dun, and yung Lola at Lola ko, nasa States. So, binabantayan sila nila Mom and Dad. Pero ngayon, nandito sila sa bahay kasi daw first day of school ko ngayon. Sweet right?

Nakapag-ayos na ako and nakasuot na ako ng uniform ko. Tama nga naman si Mommy, nakakahiya kung malate ako sa new school ko.

"Chandria, pinapatawag ka na ng Mommy mo. Kakain na daw kayo. Si Julia din nasa baba na.."

"Ah, sige Ya, sunod na ako.."

Good thing, si Julia sa The Master's Academy siya nag-aaral. Kababata ko siya, so super saya niya nung nalaman niyang magtratansfer ako ng school. Nung una, ayaw ko lumipat ng school, pero buti nalang si Julia sa TMA nag-aaral kaya ayun, pumayag na rin ako.

Bumaba na ako at nakita ko sila Mommy, Daddy at Julia sa kitchen..

"Goodmorning!" Bati ko sakanila with a big smile on my face.

Kiniss ko si Mommy..

"Dalian mo Chandria, kahit kelan talaga ang bagal mo kumilos. Julia is waiting for you kanina pa.."

"Sorry Mommy! Nag-ayos pa kasi ako eh.. Hehe.."

Tama si Mommy, mabagal talaga ako kumilos. Ewan ko ba kung bakit. >.<

Pumunta naman ako kay Daddy at binigyan sya ng goodmorning kiss!

"Syempre naman Min, baby pa yan si Chandria, kaya mabagal pa kumilos.."

At eto naman si Daddy, super baby pa rin daw ako for him.

"Dad, di na ako baby.. 4th year highschool na ako.."

Tinabihan ko na si Julia, at kiniss siya. I miss this girl so much. Bihira lang kasi kami magkita noon eh, lagi kasi ako nasa States tuwing vacation.

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon