Ayokong Sabihin na Pagod na Ako

508 26 4
                                    


Ayokong sabihin na pagod na ako,
kasi kapag sinabi ko
baka tuluyan kang sumuko.

Ayokong sabihin na pagod na ako,
kasi baka sabihin mong
pagod ka na rin,
at iyon na ang maging
huling pag-uusap natin.

Ayokong sabihin na pagod na ako,
kasi kahit anong sakit ang idulot mo,
ayos lang sa 'kin,
kayang-kaya kong tiisin.

Ayokong sabihin na pagod na ako,
kasi mahal kita
at kahit pagod na ako,
mamahalin pa rin kita.

Ayokong sabihin na pagod na ako,
ayoko pa,
gusto ko pang manatili.
Sana ikaw rin,
sana hindi ka pa napapagod
sa aking tabi.

Ayokong sabihin na pagod na ako,
kasi kapag sinabi ko,
baka tuluyan kang sumuko.

Sa Pagsapit ng DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon