Hating Gabi Na

302 24 7
                                    

Hating gabi na
pero di pa rin ako mapakali sa kama.

Iniisip pa rin kasi kita,
at kung paano ka tumawa.

Hating gabi na
at malapit nang maglaho ang mga tala.

Pero 'yung ngiti ko
ay abot pa rin sa magkabilang tainga.

Hating gabi na
pero pinipilit ko pa ring alalahanin ang lahat.

Ang pag-akbay mo sa akin,
ang ating litrato,
at ang maliliit mong yakap.

Hating gabi na
pero gusto ko pang paikutin ang mundo.

Iisipin nang paulit-ulit
na binigyan mo ako ng tsokolate,
at ng lugar sa puso mo.

Hating gabi na
pero sinusulat pa rin kita.

Kahit alam kong sa oras na 'to,
may iniisip kang iba.

Sa Pagsapit ng DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon