At sinubukan niyang magtago sa buwan na
sumusunod sa madilim na gabi.
Upang maitago ang panunuyo, kinulayan ng
matingkad na ngiti ang labi.
Pinalakas ang bawat halaklak para
hindi marinig ang pilit na kumakawalang hikbi.Dahil sa bawat maaliwalas na mukha,
mayroong gyera sa loob ng dibdib.
Hapdi ng sugat, haplos ng dugo,
itinatago niya pa rin sa liblib.Ang lahat ng salitang natatamo,
katumbas milyong bala.
Nanunuot, nag-aapoy,
nagtatagal pa rin sa kaniya.Mas mabuti nang magsuot ng pekeng kamiseta,
dahil ayaw niyang ipakita ang maruming balat.
Hindi kayang maglakad sa daan na gusto niya,
Kaya doon na lang sa mundong tanggap ng lahat.
BINABASA MO ANG
Sa Pagsapit ng Dilim
Şiir'Yung mga taong walang kasiguraduhan. 'Yung mga emosyong wala namang patutunguhan. 'Yung mga sakit na sa pagsapit ng dilim mo lang mararamdaman.