Hakbang

579 33 14
                                    

Noong humakbang ako
paalis sa 'yo,
hindi pa ako nakakalayo
ay lumingon ulit ako;
nagbabaka-sakaling
nakatingin ka sa 'kin
at hinihintay lang
akong bumaling ng tingin.

Pero nagkamali ako,
dahil nung inikot ko
ang leeg ko,
nakatanaw ka na sa iba.

Malayo,
malayong-malayo.
At masaya,
ika'y masayang-masaya.

Kaya heto ako,
pilit na pinapagaan
ang hakbang
para mas mabilis
ang paglayo ko.

Pero tinutulak pa rin
ako pabalik ng mundo.
Sinubukan kong
'wag matumba
ngunit sa huli,
nadapa lang ako.

Sugat-sugat,
luhaan.
Dahil mahirap
lumayo sa taong
gustong-gusto
mong balikan.

Sa Pagsapit ng DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon