***
Kung mabibilang ko ang lahat ng ating sandali,
sa pagitan ng lahat ng sandali,
kung saan ang halakhak mo,
pagluha,
pagsasalita,
paglingon,
pagtitig,
paglingap,
pagtatampo,
paglalambing,
- ang bawat sandaling may bahid
ng bawat mong pagmamahal,hindi ako titigil sa pagbilang.
Kung mabibilang ko ang lahat ng ating panahon
sa pagdatal sa pagitan ng buong panahon,
kung saan ang lahat ng umaga ay iyong mga ngiti
ang lahat ng tanghali ay init ng iyong halik,
ang lahat ng gabi ay paghimlay sa iyong tabi,
ang lahat ng panahon ay pawang pasubali
ngunit pangako sa mas mahaba pang pagtatali;
kung saan, ikaw at ako ay iisa
sa lahat ng init at lamig,
distansiya at paglalapit,
katahimikan,
katiningan,
kasukdulan,
- ang bawat pagitan
ng mga panahon
ng lungkot at ligaya
na ating kinokolekta
para sa bawat bukas
at bawat pag-alalahindi ako titigil sa pagbilang.
Babalikan,
uulitin,
at uulitin pa uli
upang masabi sa sarili,
sa bawat katapusan
na "Hindi".
Hindi natatapos ang tayo
at bumabalik sa pagiging ikaw at siya
o ako lamang mag-isa.Hindi pa rin ako tumitigil sa pagbilang
kahit tumigil ka na.#Feb162016
BINABASA MO ANG
Art for Heartaches (Poems)
PoetryWhen we feel too much, we rhyme. | Poems in Filipino and English. Collection.