***
Anak,
alalahanin mo naman ako
kapag kumuha ka ng larawan sa Instagram,
kapag nag-tweet ka sa Twitter,
at kapag nag-selfie ka sa facebook.Alam kong ako
at ang aking kapansanan
ay isang balitang
nagbibigay sa iyo ng ibayong kalungkutan.
Sapagkat ako ay pinagpipira-piraso ng mga buwitre,
kinakarne ng mga baboy
at kinakatay ng mga uwak;
Sapagkat ako
ay mala-hiningang lason
na nagpapasuka sa iyong kinain;
Sapagkat ang kahapisan ko ay
dungis at simangot
sa iyong masiglang buhay.Malayo ako sa 'good vibes'
kung kaya't iniiwasan mo ako.Kinikitil mo ang pag-ibig
na mahinang pumipintig sa iyong dibdib
para sa akin.Hindi mo iniiiyak ang aking kasawian
sa pag-asang ito ay lilipas.Hindi mo isinisigaw ang aking pighati
sa kawalan ng pag-asang ang iyong lakas
ay hindi sapat upang iligtas ang aking katawan.Hindi mo ako nililingon,
hindi dahil sa ikaw ay maramot
o walang awa
kundi dahil sa ikaw ay mahina.Pero, anak,
minsan naman
ay alalahanin mo ako.Kapag kumuha ka ng larawan sa Instagram,
nag-tweet sa twitter
o nag-selfie sa facebook.Kumustahin mo ako
at ang aking sakit
hindi lamang sa paninilip ng media
at pagmamanipula ng pamamahayag.Kausapin mo ako
at tuklasin ang aking karamdaman.Damayan mo ang aking hapis at pighati.
Paglaanan mo ako,
kahit isang araw lamang
na lakas ng iyong puso.Isigaw mo ang aking kaapihan.
Hindi mo kailangang dumampot ng tabak
sapagkat alam ko,
ang ating manunupil
ay magaling ang armas.Ngunit, anak,
sa isang pag-alala mo sa akin,
maaari
na darami kayong lilingon.At sa inyong sabay-sabay na paglingap sa akin,
ay aking pagbangon.#Apr022016
BINABASA MO ANG
Art for Heartaches (Poems)
PoetryWhen we feel too much, we rhyme. | Poems in Filipino and English. Collection.