thirty

204 15 2
                                        

Jungkook's POV

"Jungkook, pwede pagkatapos nating kumain alis tayo agad?"

"Bakit? Ano bang problema?"

"Basta hindi mo na kailangang malaman."

Kahit anong gawin ko parang hindi na ako makaka score kay Lisa. Parang hindi ko na talaga makukuha atensyon niya. Hanggang tingin na lang talaga ata ako.

Ayaw ko naman pilitin yung tao. Pero ano ba sa tingin niyo? Hindi naman siguro masama magtapat ng nararamdaman diba?

"Huy!" sigaw ni Lisa sakin.

"Ang lalim ng iniisip mo. May problema ba?" nagtatakang tanong nito.

"Ah ano kasi .."

Napataas naman ang kilay niya habang curious na curious na naka tingin sakin.

"Ano nga kasi?" sabay ngiti niya.

Gago ka ba Lisa?! Wag mo nga akong ngitian ng ganyan!

"H-Hindi naman siguro masamang magsabi ng katotohanan diba?" na-uutal kong sabi.

"Ano bang ibig sabihin mo?" Lisa

"I like you Lisa."

torpe | j.jungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon