fifteen

241 16 14
                                    

"Oppa!" kumaway agad si Lisa ng makita niya si Taehyung na naghihintay sa kaniya sa 7/11.

"Nandiyan ka na pala lisa" ngumiti si naman si Taehyung kay Lisa.

"Akala ko ba aalis na tayo oppa? Nagmadali pa naman ako" nakasimangot na sabi ni Lisa.

"Teka lang may hinihintay pa ako." ani ni Taehyung.

"Ahhh" nacurious naman si Lisa kung sino ang hinihintay.

"Akala ko pa naman date namin. Akala ko pa naman kami lang dalawa. Umasa na naman ako. Hmp."  isip ni Lisa.

Mayamaya, may dumating na itim na van sa harapan nila at agad-agad itong bumukas kasabay sa paghinto nito.

"Oppa takbo! Mga kidnappers yan!" sigaw naman ni Lisa kay Taehyung. Dali-daling hinila ni Lisa si Taehyung pero nagpabigat si Taehyung kaya hindi niya ito nahila.

"Ano ba oppa?! Magpapakidnap ka na lang ba sa mga yan?! Sayang lahi mo!" sigaw naman ni Lisa kaya nagtinginan ang mga tao sa kanila.

"Lisa hindi sila kidnappers! Sila yung hinihintay natin" mahina namang tumawa si Taehyung sa reaction ni Lisa na para bang nahihiya sa ginawa niya. Pulang-pula na ang mukha ni Lisa sa kahihiyan.

Ayan kasi ang landi, gusto niya sa kaniya lang si Taehyung. Lol, joke lang :>

Ng bumukas na ang pinto ng van, lumabas naman si Jin doon at deretchong sumampal kay Taehyung.

"SAAN NA BA ANG RESPETO MO HA?!" nagulat naman si Taehyung at Lisa sa ginawa nito.

"Edi hanapin mo hyung." sabay ngiti naman ni Taehyung kay Jin. Yung ngiting munggago.

Sasampalin na naman sana ni Jin si Taehyung ng bigla itong sumigaw "SORRY NA HYUNG! ANG TAGAL NIYO KASI"

"YUN LANG NAMAN PALA EH." sigaw ni Jin.

"EH 'BAT KA SUMISIGAW HYUNG? GALIT KA BA?" sigaw naman ni Taehyung.

"HINDI AKO GALIT!" sigaw naman pabalik ni Jin.

"MASAYA LANG AKO!" dagdag pa nito.

"Mga gago. Pumasok na nga kayo. Pinamadali mo pa naman kami tas nag-aaway lang kayo diyan." biglang sulpot naman ni Yoongi sa kanila.

"Hi po." bati naman ni Lisa kay Yoongi. Sinamaan lang ito ng tingin ni Yoongi na para bang nandidiri. Nahiya na naman si Lisa kasi baka dagdag lang ito sa problema ni Yoongi.

"Tara na Lisa." aya ni Taehyung papasok sa van.

Sumunod naman ito at sumakay na sa van.

-

lol. hindi ako marunong mag narrate. :<

torpe | j.jungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon