sixty-eight

209 10 0
                                    

Lisa's POV

Pumunta na ako sa sinabing lugar ni Jungkook kung saan kami magkikita. Kinakabahan ako, seryoso ba 'to? Parang ang bilis lang ng mga pangyayari.

Saktong-sakto lang at nakita ko na si Jungkook na bagong dating lang din. Malamang deretcho na siyang lumapit sa akin.

"Landi mo kagabi eh no." pagsimula niya sa usapan.

"Aba, bungad din no." sagot ko sabay irap sa kaniya. "Grabe ang torpe mo no. Mas na una pa ako magtap-" "Tama na nga. Alam ko na, di mo na kailangang ulitin." sabi niya habang hindi makaderetcho ng tingin sa mga mata ko.

"So totoo nga? Na may gusto ka sakin? Ayiiee. Matagal ka na palang may pagtingin eh. Gwapo ko talaga" dagdag niya pa. Kahit kailan, mayabang parin 'tong ilong na 'to.

"Gutom ako." pang-aasar ko sa kaniya. Di naman ako matiis nito eh, hihihi.

"Saan mo gusto?" O diba? Di niya talaga matiis ka cute-an ko.

"7/11 tayo please~"

"Sige, basta kanya-kanyang bayad." sabay walk out niya.

Aba gago din no. "Hoy! Akala ko ba libre mo?!" sigaw ko sa kaniya.

"Sinabi ko bang manglilibre ako? Tinanong lang naman kita kung saan mo gusto kumain ah? Tas ang plano, magkikita lang tayo." banat niya pa.

"Weh? Sabi mo nga 'kita' lang kasi ngayon pa magiging 'tayo' "

"Weh? Excited mo naman, kalma mo boobs mo- ay wala ka nga pala nun" tas sabay takbo niya.

Hinabol ko naman siya at di ko namalayan na bigla na lang siyang huminto at nauntog sa likod niya. Muntik na akong mahulog sa sahig pero nagulat ako ng wala akong naramdamang masakit sa puwet ko.

"Tanga mo din no? Habol ka ng habol tas di mo namalayan na ikaw lang ang masasaktan sa pinagagawa mo." hugot niya. Nakahawak na pala siya sa bewang ko kaya di ako nahulog. Agad ko namang tinanggal ang pagkakahawak niya para mawala ang awkward na atmosphere.

"Baliw" sabay irap ko.

"Sayo naman" sagot niya pa habang nakangiti. Gago talaga o.

Natahimik na naman kaming dalawa at hindi na alam kung paano na naman sisimulan ang usapan.

"Lisa.." tawag niya sa akin. Lumingon naman ako at nagtama ang mga mata namin. Di ako makagalaw dahil sa titig niya. Seryosong seryoso siya ngayon.

"Be strong please." nabigla naman ako sa sinabi niya. Alam kong alam na niya ang sitwasyon ko. Ang problema nga lang kung gusto ko pa ba talagang mabuhay. Tahimik lang ako at hindi sumagot.

"Alam kong nagdadalawang isip ka ngayon. Please magpa transplant ka."

"May dahilan pa ba kung bakit kailangan ko pang mabuhay?" tanong ko.

"Meron.." naluluha akong nakatingin sa kaniya. Sa totoo lang di ko na gusto pang madagdagan ang mga araw na mabuhay dito sa mundo. Nasasaktan ako tuwing iniisip ang sitwasyon ko. Gusto ko ng itigil lahat lahat ng problema at nararamdaman ko.

Yun nga lang, ayaw ko mawala ang isa sa mga nararamdaman ko. At yun ang pagmamahal ko kay Jungkook. Alam kong napakagaga at napakatanga ko. Kay Taehyung pa ako tumakbo eh may Jungkook namang naghihintay sa akin.

"May dahilan ka pang mabuhay Lisa, at yun ay maging masaya ka sa buhay mo.." di ko namalayan na may tumulo na palang luha. "Kasama ako." dagdag niya pa.

"Hindi kita iiwan Lisa. Kahit anong mangyari."

"Corny mo din no." pagbibiro ko para di naman masyadong oa 'tong usapan namin.

Tumawa naman siya ng pilit, "Pero seryoso nga. Seryoso ako sa mga pinagsasabi."

Ngumiti ako sa kaniya. "Thank you Jungkook pero at the same time, I'm sorry."

"Hindi na yun kailangan Lisa. Ang importante mabuhay ka pa." sabay hawak niya sa kamay ko at hinimashimas ito. Natawa naman ako sa ka corny-han niya.

"I'll always be here for you."

-

a/n: cringe ヘ( ̄ω ̄ヘ)

torpe | j.jungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon