Third Person's POV
Kinontak ni Jungkook si Taehyung ng dahil sa natanggap niyang message galing kay Lisa. Di siya sigurado kung ano ang ibig sabihin ni Lisa sa message niya.
"Huwag kang mag-alala Jungkook. Ganoon talaga yun basta feeling niya wala ng pag-asa." sabi Taehyung. "Bisitahin na lang natin siya, baka naman naghahanap lang siya ng kasama doon sa hospital." dagdag pa nito.
Tumungo na nga sila sa hospital. Habang naglalakad sila papunta sa room kung saan naka confine si Lisa, tahimik lang sila sa isa't-isa. Hindi sila makapagkuwento ng kahit ano dahil sa mga nangyari noong mga nakaraang buwan.
Hindi makapaniwala si Jungkook sa mga nangyari. Nawala ang dati nilang pagsasamahan ng dahil lang sa isang babae. Pero inintindi at tinanggap naman ni Jungkook ang rason kung bakit nagawa yun ni Taehyung sa kaniya.
Alam ni Jungkook na kaya niyang gawin ang mga ginawa ni Taehyung para kay Lisa. Kaya lang, tinamaan siya na maging torpe at di masabi ang totoong nararamdaman niya para kay Lisa. Kaya itinuring niya munang kaibigan si Lisa para hindi halatang may pagtingin siya sa dalaga.
Napahinto si Jungkook dahil sa iniisip niyang hindi niya kayang masabi kay Lisa. Napalingon naman si Taehyung ng namalayan niyang huminto ito sabay pagtawag ni Jungkook sa kaniya.
"Hyung." Napakunot naman ang noo ni Taehyung ng may napansin siya sa tono ng boses ni Jungkook. Parang may tinatagong siyang sakit na nararamdaman, yung parang matagal niya ng gustong ilabas pero hindi niya magawa.
"I like Lisa." biglaang sabi ni Jungkook. "Like.. a lot." Ngumiti lang si Taehyung sa kaniya sabay sabi "Matagal ko ng alam yun." Ngumiti rin pabalik si Jungkook kay Taehyung at nagpatuloy na silang naglakad papunta sa room ni Lisa.
Hindi na makapaghintay si Jungkook na makita ulit si Lisa. May dala pa siyang chocolates para sa kaniya.
Nang malapit na sila, nabigla at naguguluhan sila sa mga nangyayari. Nagsisitakbuhan ang mga nurse papunta sa room ni Lisa. "Room diba yun ni Lisa?" tanong ni Taehyung. Nagmadali naman silang pumunta para tingnan kung anong nangyayari.
"Just hang on. The doctor is on his way." "Lisa can you hear me?" "Take a deep breath Lisa." sabi ng tatlong nurse na nagmamadaling inaasikaso si Lisa.
Nakatayo lang si Jungkook at Taehyung sa labas ng room dahil gulong-gulo at wala silang alam sa mga nangyayari. "Saan na ba ang doktor?! Kailangan na namin siya! Ngayon na!" sigaw ng nurse.
Ang tanging nakikita lang ni Jungkook kay Lisa ay ang kamay nito. Her hand is completely shaking and trembling. Nanginginig na rin si Jungkook dahil sa takot na baka ano ang mangyari kay Lisa.
"Keep your eyes open Lisa!" pag encourage ng nurse kay Lisa. Kumapit ang kamay ni Lisa sa railings ng kaniyang hospital bed. Pinipilit ni Lisa na labanan ang kaniyang sitwasyon ngayon. Pero bigla na lang bumitaw ang kaniyang kamay na para bang wala na siyang lakas at malay.
Tulala, bigla, kaba, gulat, at takot ang naramdaman ni Jungkook. Wala talaga siyang alam sa mga nangyayari ng bigla na lang may tumalak sa kaniya papalayo sa room. "Di kayo pwede dito ngayon! Umuwi na kayo. Aalagaan namin siya ng mabuti." sabay sarado ng nurse ng pinto.
Nabitawan ni Jungkook ang dala niyang chocolates para kay Lisa at umalis na lang ng hospital. Naglakad siya pauwi sa kanilang bahay ng may natagpuan siyang nasagaasang pusa sa kalsada.
Wala na siya sa kaniyang wastong pag-iisip kaya kinuha niya ang pusa at dali-daling itinakbo sa pinakamalapit na animal hospital. Iniisip niya ang buhay ng inosenteng pusa na wala namang ginawang kasalanan. Sinubukan niyang iligtas pero hindi na nakayanan at namatay na ang pusa.
"We tried our best. Lumaban din siya pero hindi na niya kinaya." sabi ng doctor kay Jungkook. "Okay lang po." ngumiti naman siya kahit puno na ng luha ang kaniyang mga mata.
Paano kaya pag yun din ang nangyari kay Lisa?
Ano ba talaga ang kondisyon niya?
Lumaban ka Lisa, please. - Jungkook-
a/n: ang drama hehe. sorry : (
BINABASA MO ANG
torpe | j.jungkook
Nouvelles- hanggang tingin ka na lang ba talaga? ヾlisa x jungkook • epistolary #1 date started: 05.28.17 completed: 08.30.17 = hra : #20 [08.25.17] ps: i change my covers a lot if i want to. sorry. i don't have permanent book covers.