-- Masaya ang buhay kung nandiyan ang gusto mo.. masaya ang buhay kung yung taong mahal mo eh mahal ka din.. ang saya at ang sarap sa pakiramdam.. pero etong buhay na tinatamasa mo, pang habang buhay kaya? akala natin perfect na ang buhay basta nandyan ang taong nagmamahal at minamahal natin.. pero pano kung mawala na sila? kakayanin mo pa ba? kaya mo bang tanggapin na hindi siya ang para sayo? magiging bato nalang ba ang puso mo? o magbibigay kapa ng pagkakataon sa mas karapat-dapat na tao na handang harapin lahat mapasaya ka lang?
Ian's P.O.V.
New year na!! hahahaha ang saya saya ko!! bakit? kasi kasama ko si sam nag christmas at new year.. ang saya noh?! hahaha kung alam niyo lang kung gano ako kinabahan sa pagbibigay ng regalo sa kanya!! hoooo! buti nga at nagustuhan niya eh.. hehehe
Kahit naman masaya ako, alam ko naman na hindi ako yung nagpapasaya sa kanya, na may tao parin talaga na mas mahalaga at mahal niya.. ano lang ba ko? sus. para namang may halaga ako kay sam.. pero kahit ganon? masya ako kahit papano at naging mag classmates ang mga mgulang namin dati hahaha..
Siguro sinasabi niyo na ang tanga ko kasi minamahal ko siya ng palihim kahit alam kong walang patutunguhan? di niyo naman ako masisisi eh... nagmamahal lang ako kahit masakit kelangan tanggapin.. yun kasi yung totoo eh.. *sigh*
Tama na nga ang drama.. heheehehe sanay na ako diyan sus.. sa 4 years na pagmamahal ko sa kanya di pa ko masanay? psh.. hahahaha
teka ayoko ng mag pvo.. author sa iba mo nalang ibigay..
Shane's P.O.V.
Oy!! namiss niyo ko?! hehehehe namiss kong mag pvo dito!! hehehehe siguro sa mga susunod na chapter madalas na kong mag pvo.. medyo mawawala muna si sam.. hehehe
Malapit nanaman ang pasukan.. the next day na.. nandito kami ni best sa kwarto ko.. nag eemote siya eh.. ewan ko ba dito ang saya saya niya nung birthday ni jake ngayon naman ang lungkot lungkot..
"best busy lang talaga siya?" pang ilang tanong na niya yan.. =_=
"best minsan naman may ginagawa yung tao di naman kelangan araw-araw ikaw ang kausap niya diba? malay mo nag family bonding sila" kako sa kanya
"malay mo naman nambabae na yun T^T"
"ang nega mong babae ka!! may tiwala ka diba? edi dapat hayaan mo siya!! sus naman best.. di lang sayo umiikot mundo niya okay?"
"miss ko na ksi siya eh.. T3T"
"hay nako ewan ko sayo babae ka!! yaan mo bukas nandyan na ulit yun sa tabi mo!! itali mo na kung gusto mo"
Naalala ko nanaman si ian.. naaawa nanaman ako dun.. haaaaay!! bakit kasi itong babaeng to pa ang minahal? tapos nagpapakamartir pa..
Simula nung nakita ko sa mga kilos ni ian na sincere siya sa pagmamahal kay sam, naging bestfriend na niya ko.. lagi ko ngang sinasabi na aminin na niya eh kasi ang sakit sakit kayang makita na yung taong mahal mo may kasamang iba, and worst nagmamahalan sila.. oh diba ang sakit nun?
nung new year at christmas nga pilit na pinapasaya ni ian si sam eh, kasi hindi tumatawag si jake sa kanya.. pero pilit naman siyang pinapalayo ni sam.. sige ibahin natin.. TINATABOY yan yung good term..
At ang sinasabi lang sakin ni ian?
"Naiintindihan ko naman siya eh"
Yan lagi ung mga katagang sinasabi nya sakin tuwing pinapahinto ko siya sa ginagawa niyang pagpapasakit sa sarili niya.. Minsan nga nagkukwento pa yun!! yung nangyari daw sa kanila ni sam nung mga bata pa sila.. tapos pag nagkikita sila sa playground sa subdivision.. pag tinatanong ko kung anu pinag-uusapan nila? tungkol kay JAKE!! anak ka ng tokneneng!! lagi daw yan topic nila..
Ang martyr ni ian noh?! walang kapaguran kay sam.. kahit naman binabalewala siya nito lumalapit parin ang ugok.. haaaayy..
Mga readers.. satin satin lang to ah? pansin ko kasi may kakaibang kinikilos si jake eh.. ewan ko rin eh, tuwing nakikita ko silang magkasama basta may weird feeling ako.. then isa pang napansin ko hindi na din nagpaparamdam kay sam si lesley.. taka nga din ako eh.. dati rati kasi hindi lalampas ang araw nang hindi yun umiirap kay sam.. kwento pa sakin ni sam, nginitian daw siya nito.. yung parang peace smile daw ba? what a miracle!! hahahaha...
*The next day*
"weeeehhh best!!! excited naman akong makita si jake!!!" may kilig vibes pa po yan =_=
"wag ka mag-alala makikita mo rin yun mamaya"
Pero bago kami makarating sa room...
"hmm, shane, sam.. sorry sa lahat lahat ah.. alam ko galit kayo sakin.. pero promise nagbago na ko.. hindi na ako yung lesley noon.. sorry sa lahat lahat sana mapatawad niyo ko" nakayuko niyang sabi..
"anu kaba les.. ayos lang samin yun.. di na mahalaga ang nakaraan ang importante ok na tayo!! diba best?" O_O pinapatawad niya tong bruhildang to?
"a-ah o-oo" di ba naisip ni sam yung mga pinag gagagawa nitong babaeng to noon? hala ka..
"thank you shane at sam.. hope we can be friends" ngumiti ito samin.. pero may iba akong pakiramdam.. ewan ko ah.. basta di ako pabor sa babaeng yun..
Pagkaalis niya tumambay muna kami sa bench maaga pa eh..
"hay.. buti at nakipagbati na siya no? hehehe"
"ewan ko ah.. di ako sigurado dun sa babaitang yun!! nako sam"
"anu kaba naman!! kita mo na ngang nagpakumbaba na yung tao eh.. ikaw talaga!!"
Ito ang mahirap kay sam eh, madaling magpatawad, malambot ang puso at madaling maniwala kahit kanino.. di ko alam pero iba talaga yung pakiramdam ko ngayon taon na to eh.. di ko lang alam kung mabuti o masama.. pero diba di naman pinapakiramdaman kung mabuti yung mangyayari? ah ewan naku!! sumasakit lang ulo ko!!
James's P.O.V.
Oh!! eto nanaman ako!! hehehe namiss ko kayo!! simula nung nagbreak kami ni sam di na ko nakapag pvo eh.. di ko alam kung bakit ulit ako nakapag pvo ngayon.. may role nanaman ba ko ms.author? hehehe
Nandito pala ko sa Student Council's Office.. may mga inaayos.. chinecheck din ang mga cameras baka may damage eh.. hehehe kung akala niyo naka move on na ko kay sam.. nagkakamali kayo.. hindi pa.. syempre pinilit nanaman ako ni lesley na mapunta daw sa kanya pero di ako pumayag.. mahal ko pa si sam..
Tsaka alam ko sa sarili ko na hindi ko na masusuklian ang pagmamahal ni lesley sakin.. oh eto na pala ko papunta sa storage room para idispatcha ang mga papel na wala ng kwenta..
Habang papunta ko dun.. kinakabahan ako.. ewan ko nga eh.. tapos may narinig din akong nakikipag usap sa phone.. wala kasing masyadong tao dito sa area na to eh kaya kung ayaw mo ng istorbo, dito ka pumunta..
"yup dear..... septer 16.. yah.. i'm excited na!!... oh well, galingan mo ah?... okay... bye cindy" then pinatay na niya yung phone niya.. nandito ako nagtatago sa kabilang pader.. kilala ko yung boses na yun.. pag maarteng boses sa kanya lang yun..
"this year is gonna be fun" huli niya pang sambit tapos ngumiti na pang demonyo.. then umalis na.. anung problema nun? at anu kaya yung pinag-usapan nila nung cindy? tapos may binigay pang date? september 16? teka.. O_O diba yun yung date kung kelan naging officially on sila sam at jake? eh may kinalaman ba yung dalawa dito? parang wala naman.. di naman siguro alam yun ni les diba? tsaka--- eh anu ba yan!! tama na nga yang pinag-iiisip isip ko!!
Sabi nga nila: MIND YOUR OWN BUSINESS hehehe kaya hayaan na..
Pero may weird feeling ako eh.. ah james!! tama na nga yan!! tumigil ka!! porket may narinig ka lang magpapa apekto kana?! ang importante hindi ikaw ang concerned!! diba?! hehehe oo nga.. hayaan na yun..
-----to be continued-----

BINABASA MO ANG
"The Truth"
Teen FictionSabi nila masarap ang feeling nang mainlove pag High School ka .. tama nga sila ... masarap pero masakit .. Si sam .. maagang umibig kaya maaga ring nasaktan .. hindi man gustuhin ngunit nagkamali siya sa iba niyang naging desisyon at nakasakit ng i...