Shane's P.O.V.
"shane.. sigurado kang magiging maayos si sam sa ginawa mo?" tanong ni james sakin..
"oo.. best friend niya ko kaya alam ko kung ano ginagawa ko" matabang na sagot ko sa kanya..
Nandito kami ni james sa states..
Oo totoong kailangan ako ni papa pero agad niya ding binawi dahil kaya niya na daw yun.. tsaka ayaw niya daw ma-stress ang prinsesa niya.. =_=
Sumama naman tong si james sakin.. ang kulet nga eh.. gusto niya daw sumama sa lahat ng plano ko..
Bakit ko iniwan ang bestfriend ko??
Kasi may misyon ako na ako mismo ang gumawa.. yung misyon na yun ay yung malaman ang background story ng family ni sam..
Nung tinanong ko kasi sila mom at dad kung may galit ba kay sam..
nagtinginan muna sila at sabay na nagtanong:
"bakit? may sumusunod na ba sa kanya?" yan yung tanong nila sakin pagkadating ko este namin ni james dito sa states..
Alam ko dapat nandon ako kinocomfort si sam dahil kakabreak lang nila nung gagung jake na yun.. pero di pwede..
One time nga kinorner ko yung sumusunod kay sam..
"anung pakay mo sa kaibigan ko?" galit na tanong ko sa kanya..
"w-wala po.. gusto ko lang po sanang makita ng malapitan s-si ms. sam.."
Matapos nun hindi na niya sinundan si sam... nakahinga ako ng maluwag dahil dun..
Nung umalis naman ako sinadya kong sa oras talaga ng pagiging brokennhearted niya.. para maisip niyang lahat ng nakapaligid sa kanya ay iniwan siya..
Kilala ko si sam.. hindi niya maiiwasang isipin yun..
Pero kailangan kong iwan siya.. alam kong wala siya alam dito sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon..
Ang daming tanong sa utak ngayon.. na hindi ko alam kung saan ang magsisimula para masagot lahat ng yun..
"shane.. iniisip mo nanaman ba yung tanong ng parents mo sayo?" isa pa yun.. yung mahiwagang tanong na yun.. bakit nila alam na may sumusunod kay sam dati?
Eto pang si james..
"james.. umuwi kana ng pinas.. mas mabuting wag kanang sumama sakin.. mapapahamak ka lang pag nasa tabi kita" sabi ko ng di nakatingin sa kanya..
Mahal ko na si james.. pero di ko magawang sabihin sa kanya..
Pinipilit kong ilayo siya sakin kahit masakit..
Siguro sa tamang panahon.. pwede na kami?? pero di ko padin alam...
"hindi shane.. kaya kong isugal ang lahat para sayo.. sumaya nga ako nang maging seniors tayo kasi di na ko magiging busy para pormahan ang babaeng mahal ko.. tapos ngayon naman tinataboy mo ko?" malungkot niyang sagot sakin..
"mas lalong masakit para sakin pag napahamak ka.. di mo alam kung anung buhay meron ako"
"wala akong pakelam.. ang importante mahal kita at di kita iiwan"
Gusto ko nang sumigaw sa kilig!! pero di ko magawa...
Haaaaaaaaayyy.....
Sa huli ang nasabi ko nalang?
"sige sumama ka sakin.. pero mag-iingat ka"
Tapos dumeretso na kami sa bahay namin dito sa states...

BINABASA MO ANG
"The Truth"
Teen FictionSabi nila masarap ang feeling nang mainlove pag High School ka .. tama nga sila ... masarap pero masakit .. Si sam .. maagang umibig kaya maaga ring nasaktan .. hindi man gustuhin ngunit nagkamali siya sa iba niyang naging desisyon at nakasakit ng i...