KMN- Ch 6

82 8 0
                                    

KMN Chapter 6.
daneeyel|©2014

Kababalik lang ng dalawa sa kwarto nila. Puro paperworks nanaman. Walang sawa ang mga teachers nila sa pagbibigay ng assignments.

‘three weeks from now, papatayin na kita’ ito naisip ni Thad ng mapatingin sa kalendaryo.

“Thad? Pano to???” nilapitan niya si Lauren na gulong-gulo sa advance algeb at sa Stat. “gaaahd. Pwede bang puro history na lang? ba’t pa nauso math”

“ang dali dali lang tas di mo masagutan”

“kayabangan wooo! Paabot ng jacket! Lumakas bigla yung hangin!”

Inabutan naman ni Thad ng jacket si Lauren

“gago ka talga no?” saka binato ni Lauren yung jacket pabalik kay Thad

“ikaw ang gago, sabi mo paabot” umupo na to sa tabi ng dalaga “o yan Ganito.” Tinuro niya ang gagawin. Samantalang si Lauren nakatitig lang sakanya. “na gets mo?”

“hindi”

“tsk.” Pinitik naman nito si Lauren sa noo “itong papel kasi ang dapat mong titigan pag nagtuturo ako, hindi ako”

“wala naman akong makukuha jan eh”

“sa tingin mo sa pagtitig mo sakin may makukuha ka?” pagmamataray ni Thad

“oo, naiinspire ako” saka ngumiti si Lauren “pucha ang baduy ko. ituro mo na nga ulit” saka umupo ng maayos si Lauren at tumingin sa papel

Napailing na lang si Thad at nagturo muli.

10 pm na. tinignan ni Thad si Lauren na na sa study table pa. Di pa rin to tapos? Anong petsa na oh.

“Lauren?” lumapit si Thad “ayan. Tulugan mo” saka nagsmirk. Binuhat na lang niya iyon papunta sa kama.

Siya na ang tumapos. Dalawa na lang naman ang walang sagot out of three.

“Lauren Bernardo. Papatayin kita, pero bakit habang tumatagal ako pa mamatay” saka nahiga si Thad. Kung papatayin niya iyon, alam niyang may di magandang mangyayari sakanya. Kung di naman niya itutuloy ang trabaho niya, meron pa ding hindi magandang mangyayari.

Sa kabilang dako naman. Ang babaeng nag-utos ng assassination ay pinagmamatyagan sila. Once a week ay pumupunta iyon sa eskwelahan at tinitignan ang pag-usad ng pinapagawa niya.

“putspa di ako makatulog” napaupo so Thad “tss. bawal to.” Nagsisimula na siyang mahulog kay Lauren. Bawal yon. bawal na bawal.

Samantalang si Lauren ay nananaginip na.

“San mo ba ko dadalhin Thad??”

“dito. Papatayin kita diba?”

“ha? Akala ko ba.. akala ko mahal mo ko?”

“akala mo lang yun. Kailangan mong mamatay.”

“h-hindi! Ayoko! Sabi mo mahal---“

“mahal kita. Pero trabaho ko ang patayin ka!” Huminto sila sa paglalakad at nagharap. Inabot ni thad kay Lauren ang baril. “ayaw mong patayin kita? Ikaw magdesisyon kung sino satin ang mamamatay”

*bang*

“aw” hawak nito ang noo niya. “ang sakit”

“ano ba kasing ginagawa mo? Ang likot mo”

“ewan ko. nalimutan ko na yung panaginip ko”

“baliw ka no? iniisip mo siguro na nagsese---“

“Hoy! Gago! Ang dumi ng utak mo!!”

“nagseselpi! Patapusin mo kasi ako”

“ewan ko sayo!” humiga nang muli si Lauren.

4am. May pasok pa sila bukas ng 8.

“hoy. Wag ka nga jan. mamaya magising nanaman ako sa pagkahulog mo” utos ni Thad kay Lauren.

“di mo kasi ako sinasalo” mahinang sabi ni Lauren habang umiikot papuntang gitna ng kama. Pero kahit mahina yon, sapat pa para marinig ni Thad. Ni Thad na nakangiti habang nakatingin kay Lauren.

Kill me now.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon