KMN Chapter 1.
daneeyel|©2014
“I want you to assassinate Lauren. Lauren Bernardo” Wika ng babae sa kabilang linya ng telepono “mag-assign ka ng lalaking makakaresist sa isang babae. Yung lalaking walang puso at kayang pumatay sa isang kurap ng mata” matapos sabihin ito ng babae ay ibinaba na ng isang matandang lalaki ang telepono.
“Assassination in the start of a new school year would be very… exciting” napangiti ang matandang lalaki at tumayo upang dumungaw sa malaking bintana kung san kita niya ang malawak na kapaligiran. “Sinong walang puso ang makakagawa nun?”
Nagmasid-masid siya sa mga tao sa ibaba. Ito ay lugar kung san ang mga tao ay pumapatay. Ang eskwelahan na ito ay para lang sa mga taong dapat mabuhay. Kung hindi ka marunong lumaban at pumatay, ikaw ang mamamatay.
Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay tinuruan kung pano pumatay at kung pano mabuhay. Tagong eskwelahan to, dahil lahat ng nagpupunta dito ay yung mga sanay sa lansangan, yung mga naglayas, mga alila, mga walang magawa kundi ang magpahirap ng iba. For short, ito ay eskwelahan para sa mga taong hindi takot pumatay upang mabuhay.
Marami ang nakakaalam ng eskwelahang ito ngunit walang nakakaalam kung totoo ba ito o kathang isip lamang. Sino ba kasing may pasak sa utak na mag-iisip na may eskwelahan para turuan kang pumatay? Wala naman diba.
Napako ang paningin ng matanda sa isang lalaki na naninigarilyo sa tapat ng fountain na may kasamang mga kaibigan.
“Martinez. Thaddeus Martinez” wika nito sa sarili “ang apo ng pinaka mayamang tao sa buong pilipinas.” Ngumisi ang matanda “isang binata na walang puso at hindi kayang magmahal. Tamang-tama”
“Hoy gagraduate kaya tayo?” tanong ni Luiz, kaibigan ni Thaddeus na walang ibang ginawa kung mangbabae tapos papatayin pag hindi naligayahan “ibagsak na lang ulit natin! Palalayasin na tayo ni dean dito pag-graduate”
“gago ka ba? Pinapalayas na nga tayong apat e” sagot naman ni Kie, isa pang kaibigan ni Thaddeus na walang ibang inatupag kundi ang makipag-away.
“ulol ka ba? Hindi tayo palalayasin nun dito. Tayo pinaka magaling, baka naman nalilimutan niyo?” pagmamayabang ni Niel, ang pinaka nerd sa grupo pero ang pumapangalawa sa pinaka-gago “saka ano naman kung paalisin tayo? Edi mas mag-eenjoy tayo gumalaw sa labas”
Umupo ang matanda sa harap ng lamesa niya at pinindot ang speaker “Thaddeus Martinez, proceed to my office now”
“boy! Ano nanaman ginawa mo?” tanong ni Kie kay Thaddeus
“patay ka nanaman Thad. Ang gago mo kahit kelan” saka siya binatukan Niel
“wala akong ginawa” ngumisi si Thaddeus “alam niyo namang ako pinaka mabait sa grupo diba?” tinapon nito ang upos ng sigarilyo at saka tumayo
“wag na kasing mambabae!” pang-aasar ni Luiz
Umalis na si Thad don at napailing na lang ito sa mga pinagsasabi pa ng mga kaibigan niya.
‘ano nanamang kailangan ng matandang hukluban’ sa isip isip ng binata habang paakyat
“akin yan!” sigaw ng isang babae
“Akin si Thad!” sigaw rin ng isa at saka sila nagkasabunutan.
Hindi iyon pinansin ni Thad at patuloy sa pag-akyat ng hagdan patungong fourth floor.
Bigla na lang pumasok ang binata sa kwarto ng dean “ano kailangan mo?” tanong nito at umupo sa katapat na upuan
“assassinate this lady” inabot ng matanda ang isang folder kung san naglalaman ng mga impormasyon patungkol kay Lauren Bernardo. “kill her as soon as possible”
“sino naman to?” tanong ni Thad habang binubuklat ang mga pahina ngunit dinadaan lang ng mata.
“Gawin mo na lang. pwede kang magsimula kahit kalian mo gusto.” Sagot ng matanda
“ge” saka ito tumayo at nagtungo sa pinto
“Thaddeus. Rip her to pieces” utos pa nito
“wag mo kong diktahan”