KMN- Ch 2

103 8 0
                                    

KMN Chapter 2.
daneeyel|©2014

 

 “Pare! Chikas to! *sipol ng manyak* ” sigaw ni Luiz

“kilala ko to” wika naman ni Kie “eto yung pumapatay sa dati kong school! Yung hindi nila mahuli-huli!”

“eh ba’t ikaw alam mo?” tanong ni Thad

“nahuli ko. binaliwala nga ako e.”

Inagaw ni Niel yung folder.

“bili lang kaming pagkain” paalam ni Luiz saka hinatak si Kie papunta sa bilihan ng pagkain

 ‘woah.’ Sa isip isip ni Niel “sigurado kang kaya mo to Thad?” tanong niya

“madali lang yan” sagot naman ng binata

 “pano kung di mo pala kayanin?”

“sisiw lang yan. bakit ba?” nagsindi ng sigarilyo si Thad at tumingin kay Niel na nakangisi sakanya

“walang pusta pusta. Eto makakatapat mo oh” nakakalokong wika ni Niel sa kaibigan

“ulol! Di mangyayari yun. paglalaruan ko lang yan” sagot naman nito at saka nilabas ng cellphone at naglaro dito.

Napailing si Niel ‘good luck sayo. Wag ka sanang tamaan dito’

---

“pre ingat!” sigaw ni Luiz “nangangagat pa naman daw yan”

“oo dre. Ikaw mamamatay pag sinanto mo yan” wika naman ni Kie

Nakangisi lang si Niel na ikinaaasar ni Thad dahil sa lumipas na tatlong araw ay puro pangyayamot kay Thad ang inatupag ni Niel.

“sasapakin kita” wika ni Thad habang naglalakad papunta sa gate

“magpatayan kayo!” pang-asar na wika ni Niel

“mamatay ka na”

“mauna ka”

“pucha Niel! Trip mo talaga ko no?” yamot na wika ng binata

Tumawa lang si Niel sa sinabi ni Thad “gago susulat ka ha! Mamimiss ka namin. alam mo namang nababakla kami sayo!” wika nitong muli na ikinaasar lalo ni Thad kaya binato na lang siy nito ng napulot na bato.

‘all girls school to ah?’ napakamot sa ulo si Thad ‘pano ko papasukin to?’

Nakarating na siya sa tapat ng eskwelahan ni Lauren. Ngunit nagtungo muna ito sa restau na katapat nito

>hukluban calling…<

“oh? bakit?”

>dalhin mo sa malayong lugar at saka mo patayin<

“oo--- pucha binaba. Hukluban talaga” binaba niya sa lamesa yung cp niya

“oo nga. Tumakas nanaman siya kahapon” wika ng babae sa lukiran na table ni Thad

“bakit ba walang naniniwala satin na masama yung Bernardo na yun?”

“maganda kasi, saka paawa masyado”

“pero demonyo yun muka lang anghel”

“nasa cyclone nanaman daw yun mamaya sabi ni kuya”

“hahanap nanaman siya ng mapapatay niya”

Tumayo si Thad at nagtungo muna sa condo na titirhan niya. Condo ang binigay ng caller kaya dun siya nagtungo.

“Cyclone, 10 pm” wika nito at saka sinulat sa sticky note at dinikit sa salamin sa kwarto niya.

---

“Bakit mo kami pinatawag dito?” tanong ni Niel ng makapasok sa kwarto ng dean “ano kelangan mo samin?”

“wala kaming ginawang kagaguhan ngayon ah” wika naman ni Luiz

“basta ako gwapo” wika ni Kie kaya binatukan siya ni Niel

“kaya kayo narito ay dahil may ipapagawa ako sainyong tatlo” wika ng matanda

“ano?” tanong ni Luiz

“kung akala niyo matetengga kayo dito, nagkakamali kayo. Ipapadala kayo sa ibang bansa dahil nandon ang ipapagawa sainyo”

“gago ka? Walang iwanan sa mag-uutol” wika ni Kie

“ako na magsasabi kay Thad sa mangyayari. Kelangan niyo itong gawin dahil malaki ang bayad dito”

---

“cool. May kotse pa” sumakay na Thad sa kotseng binigay rin ng caller.

Nakarating na siya ng Cyclone at pumasok na sa loob. Walang hirap sakanya ang pagpasok doon dahil kilala siya. Apo ka ba naman ng pinaka mayamang tao sa bansa, hindi ka makilala?

“nakahanap nanaman ng biktima yung bruha” wika ng nadaan ni Thad

‘ano ba itsura non? Ba’t kasi di ko tinignan yung litrato sa folder’ patuloy na naglakad sa loob si Thad hanggang makarating sa counter.

“Sino nanaman kaya yung malas na lalaking mabibiktima nito?” wika ng katabi ni Thad na lalaki na may kasama pang mga kaibigan

“sayang kasi boy. Ang lakas pa naman ng dating”

“malakas talaga. Living Aphrodite yung babaeng yan sinong di tatamaan?”

Tumayo si Thad at pumunta sa second floor pero nakadungaw sa mga nagsasayaw.

‘Lauren Bernardo. Sino ka?’

“she’s here” wika ng babaeng na sa likuran ni Thad at kumaripas pababa papunta sa boyfriend nito.

Nilingon ni Thad yung babaeng naglalakad. Halos lahat mapatingin sa kanya. Tuwing huwebes lang ang punta niya sa lugar na to kaya tuwing huwebes din ito madalas napupuno.

“huli ka” bulong ni Thad sa sarili at saka bumaba upang lapitan ang babae.

Nakita niyang patuloy na naglalakad si Lauren at sa gitna pa ng mga nagsasayawan ito dumaan ngunit patuloy pa rin ang pagsunod niya rito.

Huminto ang dalaga sa paglalakad at humarap kay Thad

“Bakit mo ko sinusundan?”

Kill me now.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon