KMN Chapter 8.
daneeyel|©2014
“shit. One week na lang” bulong ni Thad sa sarili habang nakatingin kay Lauren. ‘ba’t ba ko nagkakaganito? Wala lang naman to diba? Gusto ko lang siya. Pakshet.’
“Thad what’s shota?” tanong ni Lauren.
“ha? Anong shota?”
“yung sinabi mo nung pumunta dito yung babaeng matanda” ngumuso naman si Lauren dahil di niya makita ung salitang iyon sa tag-lish dictionary
“shota is mag-on” sagot ni Thad habang binubuksan yung laptop
“ha? Mag-on? Jowakels ganon?” nakatingin lang siya kay Thad habang kung ano ano pa ang pinagsasasabi “hoy Thaddeus Martinez”
“ano?”
“kelan mo ko papatayin? Naaatat na ko”
Nilingon ni Thad si Lauren. ‘kelan nga ba talaga? Mapapatay pa kaya kita?’
“ewan. Next week siguro pag sinipag na ko” walang buhay na sagot ng binata.
Dumating ang next week. Saktong bakasyon dahil sa bagyo. Pero mahangin lang naman talaga, assuming lang masyado ang pag-asa na uulan.
“san tayo pupunta?” tanong ni Lauren na nagsasalamin pa
“sa malayo”
“papatayin mo na ko?”
“yeah”
“cool” saka sumandal ang dalaga. ‘pag napatay mo ko, bente. Pag hindi, aanakan mo ko. *evil laugh*’
“anong nginingiti mo jan? natuwa ka pa na papatayin kita?”
“yeah” nakangiting sagot ni Lauren.
Habang nagdadrive si Thad, kausap nanaman ng dean nila ang babaeng nag-utos na ipapatay si Lauren.
“is she dead?” tanong nito
“malapit na madam”
“okay. So, how much do you want?”
“kayo na bahala. Hindi naman ako ang kukuha ng pera”
Natapos ang usapan nila at inaabangan na lang ni dean ang tawag ni Thad upang i-confirm kung patay na si Lauren. Ngunit natapos ang buong araw ng hindi iyon tumatawag sakanya.
Nakalipas ang tatlong buwan ng walang kahit anong paramdam si Thad. Kahit si Lauren ay hindi mahanap. Wala ang anino nilang dalawa.
“DEAN! MAY NAKITA KAMI TIGNAN MO!” sugod ng isa sa mga estudyanteng inutusan niyang maghanap.
Binukas nito ang bag at nakita ang cellphone ng dalawa. Pati ang susi ng kotse ay naroon din. Maging ang damit nila. Habang hinahalukay iyon ng matanda ay may nakuha siyang papel.
~kung balak mo pang hanapin sina Thad at Lauren, itigil mo na. Patay na sila. Naihulog na namin ang katawan nila sa gitna ng karagatan.~
Hindi niya makilala kung kaninong sulat kamay iyon. Ibinalita niya sa babaeng nag-utos ang nangyari at ang huling sabi ng babae sa kanya ay “mabuti naman at pareho silang nawala. Total hindi bumalik ang estudyante mo, hindi ko rin ibibigay ang pabuya niya”
![](https://img.wattpad.com/cover/14236201-288-k128015.jpg)