KMN Chapter 5.
daneeyel|©2014
“Tha---“ naputol ang sasabihin ni Lauren ng makita si Thad na tulog “oh my gosh” lumapit pa ito sa kama “ikaw ata ang marerape ko. Ang hot mo Thad” nagpaypay pa ito ng kamay sa sarili.
At total hawak niya ang phone niya, pinicturan niya ang natutulog na Thad.
Sumampa naman ito sa kama at sa ibabaw ng binata ngunit hindi nagdidikit ang katawan nila.
“ano sa tingin mo ginagawa mo?” wika ni Thad habang nakapikit
“tinititigan ka” sagot naman ni Lauren.
Nagmulat ng mata si Thad at nakipagtitigan sa babaeng na sa ibabaw niya.
‘the hell? Ano bang pinaplano nito?’ biglang nakaramdam si Thad sa pinaplano ni Lauren sakanya kaya hinatak niya ito “kung plano mo tumakas gamit yang katawan mo, tigilan mo.” Inikot niya ang dalaga kaya ngayon siya ng naka-ibabaw “kung ibang lalaki, naaakit mo, galingan mo pa para maakit mo ko”
Tumayo na si Thad at pumunta sa tapat ng lamesa at nagbukas ng laptop.
‘bakla kaya yun?’ umupo si Lauren ‘saka ba’t ako tatakas? Ang hot ng kasama ko oh.’
Kumuha ng ballpen at notebook si Lauren at bumalik sa kama.
‘ways on getting Thaddeus Martinez’ sulat nito. ‘oh my gee. Lauren?? Ikaw ba yan? Kelan ka pa natuto ng ganyan ganyan? ways on getting? Srsly girl?’
‘how to prevent getting turned on’ type naman ni Thad sa google. ‘walangya. Sa dami ng babaeng gumawa sakin non bakit sayo pa ko nagkaganito. Epekto ba to nung nakita ko siya sa banyo? Fak!’
Warning. Ang mga susunod na mababasa ay rated SPG. Matinding patnubay ng magulang ang kailangan.
“Lauren, may kumakatok”
Sinara ni Lauren ang notebook at pumunta sa pinto. “sino yan?”
“Lauren! Hija!” pinagbuksan ito ni Lauren. Ang principal “Ayos lang ba kayo dito?”
“ok naman po kami” sagot ni Lauren.
Sinara ni Thad ang laptop at inikot ang swivel chair paharap kina Lauren ‘shit. Naka-shorts lang pala to’
“matanong ko lang ha, mag-ano ba kayo?”
“mag---“ hindi alam ni Lauren ang isasagot kaya si Thad na ang nagtuloy “Mag-shota”
“wala sana kayong gawing milagro dito”
“wala ho. Bata pa kami para diyan” sagot muli ni Thad. Si Lauren naman ay nakatingin lang sakanya. Tumayo naman si Thad at lumapit kay Lauren
“o sige. Tinignan ko lang kung ayos kayo dito. Enjoy your stay Mr. Martinez and Ms. Bernardo” saka lumabas
“we will” saka nito sinara ang pinto. Bumalik na si thad sa harap ng laptop niya.
‘what is shota?’ tanong ni Lauren sa sarili. Ngayon lang niya Narinig ang word na yun dahil walang nagasalita ng ganon sa dating pinapasukan niya. ‘shota?’
