KMN Chapter 7.
daneeyel|©2014
“THADDEUS?” sigaw ni Lauren. Kanina pa niya tinatawag si Thad ngunit walang nagsasalita. Naiihi na siya pero di siya makaihi dahil naka-posas siya sa headboard ng kama. “MARTINEZ?!?!”
“oh?” pagpasok nito ng walang pang itaas dahil pawis na pawis “ano sinisigaw sigaw mo jan, na sa elevator pa lang ako, rinig na rinig ka na” galing sa court si Thad dahil sabado ngayon. Konek?
“naiihi na ko! tanggalin mo to!!”
“parang yan lang” kinuha ni Thad ang susi mula sa drawer katabi ng kama “ayan”
Bigla namang tumakbo sa cr si Lauren at di na nagsara ng pinto.
Pumasok naman ng banyo si Thad at nagtungo sa shower.
“wooo! Success!” tumayo na si Lauren at Narinig ang pagbukas ng shower “maliligo ka?”
“Hindi, magbibilang lang ng tubig” sagot ni Thad
“tss. nakahubad ka na?” nakangising tanong ni Lauren
“hindi pa naman, halika hubaran mo ko” tinabing ni Thad ang kurtina at nakipagtitigan nanaman kay Lauren. Naka-jersey shorts pa siya. “sasabay ka ba o hindi?” nag-half smile si Thad kay Lauren
“Siyempre sasabay! Conserve water, shower together!”
So alam na natin ang sumunod na eksena. SPG nanaman. Hayaan na natin sila don.
Ng matapos maligo. Oo maligo. Dahil naligo lang talaga sila ng sabay at wala ng kung ano ano pa.
“two weeks” wika ni Thad habang nagbibihis
“ha? Anong two weeks?”
“wala lang. sinabi ko lang. inggit ka?”
“ang sungit mo! Bakla ka ba?!”
Aba! Bakla daw oh!
“ako? baka hinahalikan kita jan”
“hindi. Ako! edi halikan mo!” nagpout naman ng bongga si Lauren. Tuwang tuwa sa pang-aasar kay Thad.
Lumapit naman si Thad at sinunggaban si Lauren. Si Lauren na nabigla kaya ilang minuto pa ang hinintay bago mag-respond sa halik ni Thad.
Ng humiwalay ang isa’t isa ay parehong naghahabol ng hininga. Ang sama ng tingin ni Thad kay Lauren dahil ngumisi nanaman ito. Pang-aasar nanaman ang gagawin nito.
“sarap naman nun” pasimula ni Lauren “sino nagturo sayo? Ex-boyfriend mo?”
“pucha” hahawakan na sana ni Thad si Lauren ngunit naka-iwas ito at nakapunta sa kabilang gilid ng kama
“pa-kiss pa nga Thad!” saka ito tumawa. At dahil sa tawa siya ng tawa di niya namalayan na na sa harapan na niya ang binata. “oh ano? ngayon kinulong mo ko sa braso mo?”
“napupuno na ko sayo”
“wow na wow! Gripo ako at ikaw ang timba. Pag napuno ka, patayin mo ko”
Lalong nainis si Thad sa mga pang-aasar ni Lauren.
“ang pikon mo no?” tanong ni Lauren “pero bakit ganon? Lalo lang akong natuturn on sayo pag napipikon ka”
Napapikit si Thad at huminga ng malalim. Talo nnman siya. Pag nag-aaway sila ni Lauren at dadating na siya sa ganung punto, biglang babanat si Lauren ng kung ano ano.
Tulad nung lunes…
Nakaganong pwesto silang dalawa pero sa pintuan nangyari.
“Alam mo Thaddeus, ang hot mo magalit”
Nung miyerkules…
Matutulog na sila ngunit ng asar si Lauren kaya ayan, nakapatong siya.
“rerape in mo na ko?” ngumiti ang dalaga “game! Anakan mo na rin ako ng mahaluan ako ng genes mo”
“gaaahd. You’re insane!” wika ni Thad saka ito humigang muli
At lastly, kahapon…
“ang hot ni lee min ho. Shems” wika ni Lauren sabay tumingin kay Thad na katabi niya. Na sa loob sila ng kwarto. Sa kama. Nakaupo. “hoy Thad. Mag-topless ka nga.”
“ayoko”
“tss. alam mo ba, bakla lang nahihiyang mag-topless” wika ni Lauren. Kahit simpleng lintanya lang ay may halong pang-aasar.
“tigilan mo ko” nagpunta ng cr si Thad upang kumuha ng sigarilyo
“Thaddeus Martinez, the gay assassin” biglang tumawa si Lauren ng malakas at tumayo papuntang cr para kuhanin yung selpon niyang naiwan “bet ko yun! mai-publish nga. yayaman ako sa article na yun!”
“Ako ba aaraw-arawin mo?” salubong na ang kilay ni Thad
“hoy ang kapal mo! Every other day naman no!”
“Lauren?!”
“kasi pag nag-everyday ako sayo, baka mauwi tayo sa kama! Wala pa kong balak isuko ang bataan!”
O diba? Not once, not twice! Lauren Gaming. Wag po nating gagayahin si Lauren dahil hindi siya magandang halimbawa ng isang mahinhing dalagang pilipina.