Chapter 1

2.5K 49 2
                                    

*Rome

    Lumabas ako ng condo niya na hinang-hina, walang lakas. Pagod na pagod sa pambabayo ko sa kanya. Suot ang aking uniporme at dala ang aking bag, umalis ako sa condominium na yun na dala ang binigay niyang 3,000. Bayad niya sa akin kapalit ang aliw na iyon. Kaming dalawa lang ni Sir Axum ang nakakaalam nun. Si Sir Axum, siya ang professor ko.

     Ako si Rome Mantua. 19 taong gulang. Scholar ng St. Joseph University. Isa na rin akong "callboy" dahil sa pagbebenta ko ng laman, mapababae man o lalaki. Karamihan sa inaalok ko nito ay mga lalaki. Ginagawa ko ito dahil may karamdaman ang ina ko at mahirap lang kami.

     Tumungo ako sa isang convinient store, bumili ako ng pagkain para sa aking nanay na nasa ospital ngayon. Habang nasa convinient store ako, napansin ko ang aking sarili sa salamin na putla at ang lamya ng itsura.

     Binili ko ang mga masasarap na pagkain para sa aking ina. Lumabas ako ng convinient store at nag-abang ng masasakyan patungo sa ospital.

***

     "Nay nandito na po ako." Ginising ko ang aking natutulog na ina.

     "Oh anak nandyan ka na pala. Parang ang putla mo anak may sakit ka ba?" Pag-aalala niya sa akin.

     "Ayos lang ako nay, wag na kayong mag-alala. Kumain na ba kayo?"

     "Oo anak kanina pa hinihintay na lang kita" Sabi niya at tsaka ko inilapag ang mga nabili kong pagkain sa gilid niya.

     "Kamusta ang pag-aaral anak? Pagtatanong niya.

     "Mabuti naman po" Tipid kong sagot. "Ma paano kung tumigil na muna ako sa pag-aaral? nakakabigat na po ako sa inyo eh." Sabi ko na may pag-aalalinlangan.

     "Hindi! Hindi ka titigil. Edukasyon na nga lang ang ipapamana ko sa inyo ni Aztec ititigil niyo pa? Anak mag-aral ka. Tuparin mo ang mga pangarap ko. Ayaw ko naman na isang araw ikaw na ang nagpapatakbo ng ating maliit na karinderya." Sabi niya na may pagkagulat.

     "Nay kasi, marami na rin kayong gastusin. Magtatrabaho muna ako para makaluwag naman. Importante ang pag-aaral ni Aztec. At tsaka 4th year college naman ako eh, malapit na rin ako magtapos."

     "Hindi. Hindi ka titigil Rome sa pag-aaral. Ako pa nga ang nakakabigat sa iyo eh. Pasensya na anak ha, ng dahil sa akin nahihirapan ka." Napaluha naman ang nanay ko sa sinabi niya.

     "Sige na ma, hindi na ako titigil. Sa restaurant muna ako ni Mr. Asturias magtatrabaho. Masyado na kasing maliit ang sweldo ko kay Mr. Han eh." Sabi ko. Sa katunayan, binibigyan ko din ng aliw si Mr. Han, kaso maliit lang ang binibigay niya sa akin. Hindi ko rin gusto ang ginagawa ko bilang callboy.

     "Ikaw na bahala anak, matalino ka naman makakaya mo naman yan. Sige na, iwan na muna ako rito at baka hinihintay ka na ni Aztec sa bahay." Sabay ko namang niyakap si nanay at umalis na ako. 

***

     "Aztec nandyan ka na ba?"

     Lumabas siya ng kwarto.

     "Nandito na ako kuya. Nakakain na rin ako" Sabi ng kapatid kong si Aztec.

     "Buti naman. Matulog ka na?" Sabi ko at umupo muna ako sa sofa namin.

     "Kuya, kamusta si nanay? Sabi daw ni Aling Inca kapag hindi tayo nakapagbayad ng renta ngayong buwan papalayasin na daw tayo". Sabi niya na may pag-aalala.

     "Ano? Kakabayad lang natin ah kailangan ng magbayad agad? Mapanlamang talaga yan si Aling Inca". Nakakainis ang matandang yun na nagmumurang kamatis.

     "At tsaka pala kuya, pwede ba akong makihingi kahit kaunting prea para sa project ko? Hindi pa kasi ako nakakapagpasa eh."

     "Sige ito. Tulog ka na bro mapupuyat ka pa." Tinapik ko ang balikat niya. Paano ko maipapagkasya ang perang ito? napakaraming gastusin talaga. Problema pa ang renta at gamit ni inay. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa altar.

    " Diyos ko, patawarin niyo sana ako sa ginagawa ko. Tulungan niyo ako Lord para sa pamilya ko."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kawawa naman si Rome. Astig ng pangalan nila, mga ancient civilizations ang trip ko.

VOMMENT na! ^_^

H.I.V (boyxboy) (Rated SPG) (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon