Chapter 2

2.2K 50 10
                                    

     Pumasok ako ng hindi man lang nakapag-almusal. Buti pa si Aztec. Pero ayos na yun, basta importante nakakain siya ng maayos sa lugawan kanina. Kailangan ko talagang magtipid.

     Kay aga-aga pa lang rinig mo na agad ang sigawan, malalakas na tugtog at agad na paglalaro ng mga batang kalye ng Maynila. Ang init ng panahon at ang bawat butil ng pawis na pumapatak sa iyo. Ang mahirap na pamumuhay sa siyudad na ito ang bumuo ng pagkatao ko.

     Kasabay ko sa pagtawid ang iba't ibang estudyante, mga empleyado at iba pa. Kitang-kita sa mga bangketa ang mga pagkaing tinitinda nila na humihila sa akin dahil sa gutom. Bumili na ako ng isang kakanin at ice tubig, mapawi man lang ang uhaw at gutom ko.

     Medyo may kalayuan pa ang St. Joseph na pinag-aaralan ko. Habang naglalakad, nabigla ako ng may isang magandang sasakyan na muntik ng bumunggo sa akin. Agad akong nawalan ng balanse at napatumba.

     "Hoy! Gago ka ba, bakit mo ako binunggo!" Galit kong bulyaw sa driver ng kotse.

     Lumabas ang driver ng kotse. Ang gwapo niya, matangkad. Mukhang may lahing Espanyol, Amerikano, o Briton. Maamo ang mukha niya.

     "Brad sorry, hindi ko sinasadya. Nakaharang ka kasi, tulala ka."

     "Ah, ako pa ngayon ang tanga? Hindi porke may kotse ka ikaw na ang hari ng daan!" naramdaman ko ang isang mahapding sugat sa aking siko.

     "Sorry brad, gusto mo dalhin kita sa ospital? Sa clinic?" Sabi niya.

     "Hindi na kailangan!" Tinignan ko ang uniforme niya, taga St. Joseph University pala siya. Agad siyang may kinuha sa bulsa niya at binigyan ako ng isang libo.

     "Ito na lang brad." Nainsulto ako sa ginawa niya.

     Agad ko siyang tinulak. "Hoy ikaw, akala mo ba hindi nakakainsulto yang ginawa mo? Hindi porke mahirap ako gaganyanin mo na ako. May dignidad pa rin kami kahit papaano." Napalaki naman ang mata niya na parang natakot.

     "Sorry brad, so sorry." Gulat pa rin niyang sabi. "Sumabay ka na lang, taga St. Joseph ka rin ba diba?"

     "Hindi na. Malapit lapit na naman doon." Nagulat ako ng bigla niya akong hinila at isinakay sa kotse niya. Ang linis at ang bango sa loob. Tinignan niya ako.

     "Wear your seatbelt brad." Sabi niya at agad kong sinuot ang seatbelt. Pinatakbo naman niya ang sasakyan.

     "Brad sorry, hindi ko naman alam na maiinsulto ka doon eh. Hindi ko alam. Sorry sa nagawa ko, babawi ako sa iyo promise." Sabi niya sa maamong boses.

     "Kayo kasing mayayaman, hindi alam ang realidad at damdamin naming mahihirap. Ginagamit niyo ang pera niyo para mapaikot kami. Pwes hindi mo ako maloloko dun." Inis kong sabi. "Pero salamat pinasakay mo ako." Dagdag ko.

     "Kulang pa yan brad. Dadalhin kita sa clinic."

***

     "Ok na po siya sir pwede na po kayong umalis." Sabi ng isang taga-clinic na sumagot sa sugat ko.

     "Sige. Salamat." Sabi ng lalaki ng tumulong sa akin.

     "Pasok na tayo." Dagdag niya.

     Habang naglalakad kami, pinagmasdan ko siya. Ang gwapo niya, makinis. Halatang habulin. Hinarap niya ako at nagpakilala.

     "Brad, ako si Athens, Athens Imperial." Inabot niya ang kamay niya sabay ang isang ngiti.

     "Rome, Rome Mantua." Nakipag-shakehands naman ako sa kanya.

     "Galing naman ng pangalan natin, Rome, Athens. Mahihilig ata magulang natin sa History eh" Sabi niya na napatawa.

     "Oo nga eh, mahilig si mama dun." Napangiti naman ako subalit naalala ko si mama.

     "Anung year mo? Course?" Tanong ko.

     "4th year BS Psychology. Ikaw Rome?" Tanong niya din.

     "Ah. 4th year Civil Engineering. Magkaiba pala tayo. Sige brad una na ako. Salamat." Sabi ko kay Athens.

     "Salamat din brad, kita tayo mamaya!" Paalaam niya.

***

    Natapos ang klase. Napansin ko si Prof. Axum na nakatitig sa akin. Agad niya akong nilapitan.

     "Libre na kita sa cafeteria. Saan mo ba gusto?" Alok niya.

     "Hindi na prof." Pupunta pa ako ng ospital. Alam na nito ni Prof. Sa katunayan, binata pa ito si prof, gwapo. Agad naman akong umiwas at lumayo sa kanya.

     May nakasalubong naman ako.

     "Athens?"

     "Rome. Tara kain tayo sa labas sagot ko!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yan na ang simula ng love story nina Rome at Athens.

Read and Enjoy!

VOMMENTS NA! ^_^

H.I.V (boyxboy) (Rated SPG) (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon