Chapter 6

1.9K 43 7
                                    

Dedicated to broguy ^_^

*Rome

    Pumasok ako sa St. Joseph na parang wala sa sarili, wala mismo sa sariling diwa. Nagtaka ako kung bakit hindi ko nakita ngayong umaga si Athens, hindi naman dahil sa makikisakay sa kanya. O baka late lang siya.

     Pagpasok ko sa room namin kaunti pa lang ang tao, yung iba may sariling mundo, yung iba soundtrip lang. Kahit walang gana, nag-review na lang muna ako ng lesson.

     Dahil sa mabilis na takbo ng oras, hindi ko namalayan na marami na ding dumadating. Gusto ko sanang itext si Athens kung nakapasok na siya pero wala pala akong number niya.

     Pumasok si Prof. Axum na nanlalagkit ang tingin sa akin. Hindi naman sa assuming, gusto talaga ako ng taong ito. Maya-maya nag-break, inaya ako ni Prof. Axum sa cafeteria sabi niya ililibre na lang niya ako.

     "Kamusta nanay mo?" Tanong niya.

     "Hindi ko masasabi kung ok o hindi. Kailangan ko ng malaking halaga para maipaopera siya." Wala kong emosyong sabi.

     "Gusto mo tulungan kita?" Tugon ni prof.

     "Hindi na prof kailangan, kaya ko na."

     "Siguro dahil hindi mo maipagamot yang nanay mo kasi ma-pride ka? Minsan naman tumanggap ka ng tulong. Hirap sa iyo kasi eh nandyan na yung tulong mas lalo mo pang tataasan yang pride mo. Kung ako sa iyo, ititigil ko na yang ginagawa mo." Sabi niya. Tama nga naman, ma-pride akong tao. Nahihiya rin kasi ako kay professor eh, marami na siyang natulong sa akin.

     "Prof? Parang hindi rin kayo nakikinabang."

     "Makikinabang dyan sa maganda mong katawan? Sa alaga mong sinusubo ko, o sa laman mo na hinahanap-hanap ko? Rome mahal na mahal kita. Kaya ko ginagawa ito kasi mahal kita. Gagawin ko para lang sa iyo." Sabi niya sa akin.

     "Naguguluhan ako prof eh. Hindi ko alam, hindi ako bakla. Kaya ko ginagawa yun para sa nanay ko." Inis kong sabi sa kanya.

     "Kailan mo pa matututunan ha? Kailan pa ba?"

     "Hindi ko kayo mamahalin prof." Wala kong emosyong sabi. Tumayo na ako at aalis na. Hindi ko na rin naubos yung pagkain kong nilibre niya. Nawalan lang ako ng gana.

     "Masakit kang magsalita Rome, tandaan mo professor mo rin ako. Kaya kitang bigyan ng syete o sais na grado ng makita mo kung paano ako magalit. Gagawin ko yan kahit nangunguna ka pa sa klase ko." Kinabahan naman ako sa sinabi niyang yun. Baliw na ata ang professor na ito.

     Sa hindi inaasahan, nakasalubong ko si Athens. Nginitian lang ako.

     "Brad musta na? Parang malungkot ka ah? Anu na nangyari sa usapan niyo ni Mr. Asturias? Tanggap ka na ba?" Nakaapat na tanong siya agad.

     "Tanggap na ako agad brad, mamaya na ako magsisimula." Tugon ko sa mga tanong niya.

     "Congratz brad! Ah eto nga pala, calling card ko. Kung sakaling kailangan mo, text o tumawag ka lang dyan." Bigla niya akong niyakap nung oras na iyon. Parang may boltaheng dumaloy sa mga ugat ko. Sa wakas nakuha ko rin ang number niya.

     "Ahmmm, brad. Maraming salamat pala dito ah. Sige una na ako." Pagpapaalam ko sa kanya. Kailangan ko pa kasing maghanda para mamaya.

***

    'Welcome to Asturian Cuisine sir" Sabi sa akin ng guard sa restaurant pagkapasok ko. Binigyan ko lang siya ng ngiti. Sa loob, nakita ko si Mr. Asturias, chef pala siya dito. Agad naman niya akong nakita at nilapitan. Medyo naiilang ako dahil sa nangyari sa amin kagabi.

H.I.V (boyxboy) (Rated SPG) (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon