Chapter 7

1.7K 46 4
                                    

>>Ladadi ladadi! XD<<

*Athens

    Mayaman nga ako, nakukuha ko naman gusto ko. napakaboring naman ng buhay ko. Pero palaging may kulang, sana may tao ng dumating sa buhay ko na magbibigay uli sa akin ng kulay. Yung taong gigising sa puso kong tulog pa.

    Ang sarap talagang magpahangin sa labas at tignan ang mga bituin, baka sakaling may meteor na maliligaw at hihiling sana ako. Nakakainggit, yung mga tao sa paligid mo, naka-holding hands, magkayakap, at magkatabi pa habang ako nganga lang. Kailan pa ba dadating si true love?

     Natyambahan kong may bumagsak na meteor mula sa langit at agad akong nag-wish.

     "Sana, dumating na siya, sana yung taong yun ay nasa tabi ko lang o sa harap at sasabihin ang pangalan ko."

     Naputol yung moment na yun ng may tumawag sa akin.

     "Athens?" Si Rome pala.

     Nabigla ako sa kanya, yung feeling na nag-wish ka tapos siya pa? Hindi naman ako sa nag-aassume na siya na nga yun. Nang nakita ko siya parang nawala ang pagka-bored ko at parang bumalik ang saya ko. Simula ng makita ko siya, parang sa kanya na umiikot ang mundo ko.

     "Anung ginagawa mo dyan?" Sabi niya at sabay tumabi sa akin.

     Nakadama ako bigla ng kilig. Kilig nga ba? Hindi ko alam kung bakit ko ito naiisip. Hindi ako makatingin, kamay ko'y nanlalamig.

     "Athens?" Sabi pa niya.

     "Ah . . . eh pasensya ka na brad. Nawala lang ako sa pag-iisip." Pautal-utal kong sabi.

     "Naistorbo ba kita? Pasensya na." Sambit niya at tsaka inakbayan ako na lalong nagpadama sa akin ng kaba. Athens, yung puso mo, huwag ka namang tumibok ng ganyan.

     "Ah. . .  eh. Ok lang. Anu ba ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

     "Wala lang, papahangin lang. Ikaw anu ginagawa mo dito?"

     "Pareho din. Bored lang masyado sa bahay." Sabi ko sa kanya at binigyan ng pilit na ngiti.

     "Gusto mo pumunta tayo ng club? Inuman tayo." Aya ko sa kanya.

     "Hi-hindi na brad. Pasensya na. Naiwan kasi sa bahay yung kapatid ko eh baka pasukan kami. Alam mo na." Sabi niya.

     "Ah. Eh di sa bahay niyo na lang."

***

    "Ok na ba 'tong The Bar?" Tanong ko kay Rome.

     "Ok na yan, kaysa naman sa mag-Red Horse tayo malakas tama nun." Patawa niyang sabi.

     Bumili kami sa tindahan ng dalawang The Bar green apple flavor at nilagang mani sa tabi. Nasa kwarto kami ni Rome.

     Kahit na may kaliitan ang bahay nila, maaliwalas naman ito at malinis. Ganun din sa kwarto niya. Nandun ang kapatid niya sa kabilang kwarto.

     "Shot na brad!" Binigyan niya ako ng basong may laman ng the bar. Agad ko namang ininom yun. Masarap pala siyang kakwentuhan. Marami siyang nakakatuwa na sinabi.

     Kahit na sabihing masaya siya nung oras na yun, kita ko pa rin ang dala niyang problema. Natukoy niya kasi yung mama niyang may sakit sa puso na nasa ospital at kailangang maipaoperahan. Kaya siya banat-buto kung magtrabaho.

     Marami na din kaming nainom kaya mukhang may tama na kaming dalawa. Kung anu-anu pinag-sasabi ni Rome, nakakatawa siya. Bigla naman siyang nag-segway na tungkol na lang daw sa lovelife ang topic namin.

     "Alam mo brad, iniwan niya ako, porke mahirap lang kami." Naamoy ko na ang hininga niya at naluluha nung sinabi niya yun.

     "Sino? Sugurin nga natin. HAHA!" Sabi ko sa kanya.

     "Girlfriend ko. Gusto niya kasi kasing yaman mo." Dinuduruan niya pa ako at inilapit ang mukha niya sa akin.

     "Sa bait mong yan? Grabe naman siya." Dinuruan ko rin siya at nagtawanan lang kami.

     "Ikaw brad, lovelife mo naman."

     "Eto, malungkot. Pinagpalit ako ng boyfriend ko." Dahil nga sa kalasingan ko, nasabi ko na nagka-boyfriend na ako. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya subalit bigla niya akong hinagod sa likod.

     "Pareho lang tayo, manloloko sila, manggagamit! Sumalangit nawa ang mga malalandi nilang kaluluwa!" Patawa niyang sabi sabay taas ang dalawang kamay.

     Ibinaba niya ang kamay niya at nagkalapit kami sa isa't isa. Hinawakan niya ang binti ko, ganun din ang ginawa ko sa kanya. Nagkalapit na ang mukha namin sa isa't isa. Amoy the bar na yung bibig namin, pero di na namin alam ang ginagawa namin dahil lasing na kami.

     Nilapit namin ang labi namin sa isa't isa at naghalikan kami. Nagtagal ang mabagang halikan na iyon at hanggang sa nag-espadahan na kami ng dila. Hinalikan ko siya sa leeg niya at sa batok. Ganun din ang ginawa niya. Hinubad ko ang damit niya at nakita ko ang magandang katawan ni Rome, hinubad niya rin ang damit ko at nakita niya rin ang maganda kong katawan. Agad ko namang hinalikan ang dibdib niya.

     Inihiga niya ako sa kama at pumatong siya sa akin. Patuloy pa rin ang halikan at nararamdaman ko na ang naninigas naming alaga. Para namang bumalik ako sa realidad at agad ko siyang natulak ng bahagya.

     "Sorry brad, sorry." Agad kong pinulot ang damit ko at sabay sinuot. Lumabas ako ng kwarto ni Rome.

     "Sorry. Uuwi na ako." Nakakahiya, lasing kami at muntik na naming magawa ang bagay na iyon. Anu kayang magiging reaksiyon niya sa akin bukas? Baka hindi ko na siya maging kaibigan? Bahala na nga.

     Athens, tinupad na ba agad yung hiling mo? Siya na ba? Si Rome na ba ang kasagutan? Siya na ba ang magbibigay sa iyo muli ng kulay?

*Rome

    Naiwan ako sa kwarto, tulala dahil umalis siya. Bakit ko ba kasi ito nagawa?

     May boyfriend pala siya. Pero ok lang yun tanggap ko siya, kaibigan ko siya eh. Anu kayang magiging reaksiyon niya? Baka magalit siya sa akin. Ang tanga ko kasi talaga!

     Tinignan ko ang paligid, ubos na pala ang the bar na binili namin pati yung nilagang mani. napabuntong hiniga na lang ako.

     Inisip ko ang lahat, di pa naman kami gaano nagkakasama ni Athens ng matagal, pero bakit ganito nararamdaman ko sa kanya. Sa tuwing kasama ko siya, kumpleto ako, masaya ako.

     Rome, love na ba ito? Binuksan mo na ba talaga ang puso mo? Bakit sa lalaki pa? Siya na ba? Puso, sigurado ka ba? Dahil sa kakaisip, may mga salitang lumabas mula sa aking bibig.

      "Athens, mahal na ba kita?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayiiieeee! Sana kiligin po kayo. 

Pasensya sa matagal na update.

VOMMENTS na! ^_^

H.I.V (boyxboy) (Rated SPG) (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon