Chapter 8

1.6K 47 6
                                    

Pasensya na po sa matagal na update. Hopia like it!

*Athens

   Para lang akong ewan na patakbo-takbo nung oras na yun. Hindi ko na alam kung anu ang ginagawa ko. Ganto ba talaga pag lasing kasama mo ang . . . . 'mahal mo?'

     Athens! Bat ganto? Bat ganto na nararamdaman mo sa kanya? Si Rome na ba talaga? Magagalit kaya siya dahil sa nagawa ko. Anu kayang magiging reaksyon niya kung malalaman niya na bisexual ako? -_-

     Napabuntong-hininga ako habang nasa kotse ako. Pawis na pawis. Kahit na lasing ako, nagawa ko pa ring mag-drive. Nakarating naman ako sa bahay ng ligtas. Pasalamat na lang hindi ako naaksidente kahit lasing ako. Nagtaka si mama na naghihintay sa akin, at pinagalitan ako dahil lasing ako. Agad naman akong dumiretso sa kwarto at humiga na lang. Agad rin akong nakatulog dahil sa hilo na nararamdaman.

*Rome

    Rome, anu ka ba? Bakit ganto? Bakit ganito nagawa mo sa kanya?  Bakit muntik ko na siyang mahalikan?

     Bakit ganto, gulong-gulo ako. Iba na talaga nararamdaman ko para sa kanya. Kung ganun, unang pagkakataon ko pa lang na iibig sa isang lalaki. Oo, callboy ako, pero wala akong nagugustuhan sa kanila. Si Athens lang talaga, siya lang ang nagpapasaya sa akin. 

     Pagkaalis ni Athens, agad kong niligpit ang mga kalat namin at inilagay muna sa tabi. Ala una na pala at kailangan ko pang matulog.

     Nagising ako dahil sa direktang sikat ng araw. Alas siete na pala ng umaga at late na ako. Agad akong naligo at hindi ko napansin si Aztecs. Pagkalaba sko sa banyo ay may nakita akong piraso ng papel sa mesa.  SI Aztec ang nagsulat doon at sabing, "Kuya, hindi na kita ginising, amoy alak ka kasi eh."

     ***

     "Rome, bat namumutla ka?" Tanong ng classmate ko.

     "Ah eh, kulang lang siguro sa tulog, at pagod." Sagot ko sa kanya.

H.I.V (boyxboy) (Rated SPG) (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon