DARE: Unregistered Number

12 0 0
                                    

1 message received

From Unregistered Number

DARE:

1st na magtext- yayakapin ko sa personal

2nd- sasabihan ko ng iloveyou sa gm for one week

3rd- magiging kami sa loob ng isang buwan

4th- ihahatid ako bukas sa bahay pauwe after school

5th- di ko papansinin ng dalawang araw

6th- makakadate ko sa linggo

7th- sasabihan ko ng malupit na sikreto

8th- ikikiss ko sa lips

9th- gagawin ko ang isang hiling

10th- sasagutin ko ang tanong

*****

Huh? Sino naman 'tong nagtext nato? Bihira lang naman kasing may magtext sa number ko na hindi ko kilala. Hindi ko kasi hinahayaang makalat ang cellphone number ko.

18 lang naman ang nasa phone contacts ko eh. Sina mommy, daddy, lola, kuya Vrenon, kuya Vrylle, kuya Brando, Glenda, kuya Vhoi, kuya Vrando, kuya Vincent, mga tropa: John David, Kenneth, Martin, Kevin, Nicoll,  at si Khritian, Tyron. At syempre yung sarili kong number.

Ako si Vinz Reyes. Member ako ng BRADERS. Alam ko medyo baduy, na may grupo grupo pa kaming nalalaman. Pero ewan ko sakanila. Wala naman ako pake. Basta ang alam ko, magkakaibigan kami na nagtuturingang magkakapatid. Hearthrob? Ako? Ewan. Oo? Pake ko? Masaya naman ako sa buhay ko ngayon, kung ano mang buhay to. Basta masaya, go lang ng go diba.

Hobby ko? Dota. Inuman with tropa. Basketball. Pakikipagkulitan sa mga kapatid ko. Hm? Dati mahilig ako mamasyal eh. Kumanta? Ewan, nakalimutan ko na kung pano kumanta eh. Hm? Ano pa ba? Yun lang siguro.

Girlfriend? Wala naman? Wala pako nagiging girlfriend. Nakita niyo naman mga hobby ko diba? Wala ako panahon sa pagibig pagibig na yan. Tsaka nalang, kapag nakita ko na yung babaeng pakakasalan ko. Ayoko kasi ng temporary lang. Gusto ko, yung unang babae na mamahalin ko, siya nadin yung huli. Nakakapagod kasi pag iba iba pa. Gagastusan ko, ngayong teen ager palang ako, tapos hindi naman pala siya yung pakakasalan ko sa huli? Pampasayang lang diba?

Ayun, hm. Meron akong napakadaming kapatid. Bahala na kayo kung pano niyo aalamin mga pangalan nila. Isa lang ang masasabi ko. "V" lahat ng simula ng pangalan namin. Jejemon kasi ata mga magulang namin.

Mga magulang ko? Nako. Cool yung mga yun. Naiwan ng panahon eh. Feeling bagets padin. Kala mo teenagers kung makipagsabayan samin. Damay niyo pa yung lola ko. Naku, napaka kulit niyang mga yan. Pag nagsama sama yan, ewan ko nalang.

Pero teka? Andami ko namang sinabi? Dahil lang may nagtext sakin na hindi ko kilala. Siguro naman na-wrong sent lang to? Diko nalang papansinin. Pero pano naman magiging wrong sent yun, eh GM yun? Ibig sabihin naka-save na talaga yung number ko sa phonebook nung taong to.

Ako: Who you?

Unregistered number: Pangatlo ka.

Pangatlo daw? Huh? Pangalan niya yun?

Ako: What are you talking about?

Unregistered number: Pangatlo ka'ng nagreply dun sa dare. And pang-apat nadin.

Whut? Ah, yung Dare! Bigla ko naalala, kaya binalikan ko yung text kanina. So, ako daw yung 3rd and 4th? Hm. Found it! *Scroll down*

 3rd- magiging kami sa loob ng isang buwan

4th- ihahatid ako bukas sa bahay pauwe after school

O____________O

Wait. What? HA! HAHAHA. Asa. Dare? This is so gay! Yuck! Bakit ko naman to susundin? Ni-hindi ko nga kilala yung sender eh.

Ako: You must be mistaken. Can I know who i am texting with?

Unregistered number: I'm Mae and starting tmrw I'll be ur girlfriend.

Ako: Excuse me? Seriously? And do u know u u're texting?

Unregistered number: Yeah, of course. Ikaw si Vinz, ang boyfriend ko.

Ako: Are you crazy? or what?

Unregistered number: Im sleepy na boyfii, so goodnight. And see you tmrw aryt?

What? Psh. Bakit ko ba kasi pinag-aaksayahang replyan pa tong baliw nato. May nantitrip lang siguro na tropa. Whatever.

To: Many

Sinong hampaslupa senyo ang nantitrip sakin?

Pero konti lang ang nagreply, puro hindi naman sila. baka yung mga hindi nagreply yung mga nantitrip Sakin. Nagawa narin nila yun dati sa ibang BRADERS eh.

It All Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon