Chapter 2: Day 1

3 0 0
                                    

*****

Ending. Ito naglalakad kami nitong si Mae. Hays. Ewan, pero hindi talaga sanay na may kasamang babae. At kaming dalawa lang.

"Tumingin ka nga sa paligid mo!" nagulat ako nung bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap sakin. Sinunod ko nalang yung sinabi niya. Tumingin naman ako sa paligid ko.

"Lalake ka ba ha? Tss. Tingnan mo yung mga lalake, buhat nila yung bag nung mga babae. Tsk tsk, dapat maging gentleman ka!!!" tapos naglakad na siya.

Wow ha? As if naman totoong relasyon to. Tss. Demanding ata masyado tong naging girlfriend ko ah. Wrong move ata sa pumayag ako dito.

"Akina yang bag mo" sabi  ko nung naabutan ko siya.

"Wag na. Gusto ko kung magiging gentleman ka. Yung hindi na kailangan sabihin sayo. Lesson number one." Tapos naglakad na ulit siya. Ang hirap talaga kausap ng mga babae. -_- Bwisit, bakit ba ako pumayag.

Nung nakarating na kami sa pilahan ng tricycle. Sasakay na sana ko, pero- "Dito ka lang. Hanggang dito mo lang ako lagi ihahatid. Okay?"

"Ah." mabuti naman. Pero akala ko ba sa bahay nila? Well, ano ba'ng pake ko. Mas okay kung hanggang dito lang no.

"So, pwede na ko umalis?" Pero imbis na sumagot, tiningnan niya lang ako. Huh?

"Ano na naman? Kailangan ko pa ba'ng buhatin 'tong tricycle papunta sa bahay niyo? Para masabi mo na gentleman ako?"

"Psh. Idiot."

"Sir, ang gusto niya po ata eh, sabihin niyo sakin na ingatan ko siya. At mukang gusto niya rin na kayo ang magbayad ng pamasahe niya" biglang sabi sakin ni Manong driver.

"Hayaan niyo na yan kuya. Tara na" sabi niya sa driver.

Tapos ayun, umalis na sila.

o_O

Malay ko ba kung pano magkaron ng girlfriend 'no!

*****

Kinabukasan.

Sa bahay ni Kenneth.

Galing kami sa pagsurpresa kay Anilex. Yung girlfriend netong si Khritian.

(A/N: Read It All Started With A Chat, kung curious kayo about kay Khritian at Anilex. Second entry ko yun sa "Where Did All Of This Started" Thank you, paparapapa!)

Hay. Buti nalang hindi ko nakita yung babae na yun sa buong araw nato. Hm...

"Mga pare, pano ba maging boyfriend?"

Bigla silang parang nasamid lahat. At halakhakan nalang ang sumunod kong narinig.

"Vinz, dont tell me. Seryoso talaga yan?" -Martin

"Dude. Totoo ba talaga? Girlfriend mo na si Mae?" -John

"HOY! Hindi kayo marunong sumuporta!" sabay akbay pa sakin ni Khritian.

"Oo nga. Diba magaling kayo sa babae!? Ngayun nyo gamitin mga alam niyo! Nang magkakwenta naman pagiging chikboy niyong mga hayup kayo!" sabi ko sa kanila.

"Relax pare, relax!" -Kenneth

"Simple lang naman yan!" -Tyron

"Oh sige nga, pano?" tanong ko sa kanila.

Katahimikan.

"Psh. Thank you sainyo ang lake ng tulong niyo."

"Iinum nalang natin yan. I-celebrate muna natin yung pagsagot sakin ni Anilex. Malay mo sa susunod na celebration, ikaw naman." sabi ni Pillos.

Psh. Imposible. Diko naman kasi talaga girlfriend yun no! There's nothing to celebrate. Nakakahiya lang na wala kong alam kung pano maging boyfriend! Yun lang yun.

*****

Nang maka-uwi na ko. Bigla ko'ng naalala yung sinabi ni Kenneth.

"Yung mga nakaraan kong flings, madali lang pasayahin. Natutuwa na sila kapag tinetext ko sila ng sweet messages. Gusto din nila kapag tinetext ko sila kahit kakahiwalay palang namin. Yun yung mga gusto ng babae."

Hm. Wala namang masama kung itetext ko siya eh.

To: Unregistered number

Nakauwi ka na ba? Mag-ingat ka.

Ayan. Okay naman na siguro yun? Asal-boyfriend naman na siguro ako sa lagay na yun.

Unregistered number: Salamat boyfii! Walang pasok bukas, date tayo oki? Sa KahitSaanCofeeShop tayo, alright?

Ha? Eh may laro kami bukas. Hindi to pwede.

Ako: May laro kami ng tropa bukas. Hindi ako pwede. Iba nalang yayain mo.

Unregistered number: Anong iba? Ikaw ang boyfriend ko. Bakit iba, yayayain ko. Hihintayin kita dun, 3pm. Di ako aalis dun hanggat wala ka.

Ako: Hindi ako dadating, bahala ka. Hanggang kelan ba talaga 'to?

Unregistered number: Hanggang mahalin mo na ko.

Ako: Asa. Hoy, hindi yan ang usapan natin.

Unregistered number: Alam mo naman pala eh. Wag kang mag-alala, pag nag isang buwan na. :)) C U tmrw.

Yun na yung huli niyang text. Bahala siya, di ako pupunta.

It All Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon