Chapter 7: Day 20

4 0 0
                                    

Napansin ko nalang na may dala siyang box na malilit. "Para sa lola ko ba yan?" tanong ko sakaniya.

"Anong pake mo!?" ang sungit naman neto. Nagseselos lang sya dun sa babae eh. Nakapaselosa talaga ng girlfriend ko.

Hinatid ko siya, sa sakayan ng tricycle. "Hindi ba talaga kita pwedeng ihatid sa bahay niyo?"

Tiningnan niya lang ako.

"Well, nag-aalala lang kasi ako. Mag isa ka lang. Gabi narin kasi."

"Wag kang makulit. Lesson number-"

"6." singit ko sa sinabi niya. "Okay." sabi ko tapos ilalagay ko na dapat yung mga grocery bags sa loob ng tricycle, pero inagaw niya sakin.

"Lesson number 7. Kapag nagtatampo ang girlfriend mo. Alam mo dapat kung pano mo siya susuyuin."

"Eh kanina pa kita sinusuyo. Ayaw mo naman. Tapos sabi mo, pag ayaw wag pipilitin. Ano ba talaga?! Ang gulo mo na ah?" medyo naiirita na ako.

*Sudden Flashback*

"Hindi kita susukuan..."

*End of Sudden Flashback*

"8. Wag mo siya susukuan."

Aktong sasakay na siya ng tricycle. Pero hinila ko siya. Hindi ko alam, pero parang nagkabuhay na sarili yung katawan ko. At bigla ko nalang siya niyakap.

"Diko alam, pero pakiramdam ko. May nagawa akong mali sayo. Diko din alam, pero feeling ko ang lungkot lungkot mo ngayon. Kahit nilalakasan mo ang boses mo! Nakikita ko padin sa mga mata mo, na malungkot ka."

Humiwalay siya sa pagkakayakap at nagsalita. Nakita ko namang basa yung pisngi niya.

"Huy bakit ka umiiyak!? Anong ginawa ko!? Mahigpit ba pagkakayakap ko!? Hindi ko nakahinga?! ANO!?"

Umiling siya. "Tanga!" Binitawan niya yung mga grocery bags. Pinunasan niya ang pisngi niya. "Malapit na... Vinz. Ang galing mo! Malapit na..."

"Alin?"

"Hm!" umiling siya ulit. "Basta. Maalala mo na." kinuha niya yung videocam niya sa bag niya. At tinutok sa sarili niya.

"Maalala niya na din!" maiyak iyak niyang sabi. At biglang niyakap nanaman ako. Tumalon siya kaya napasapo ako sa likod niya. May sinabi pa siya, pero hindi ko na narinig. Ang sarap kasi sa pakiramdam na yakap ko siya.

"Vinz..." bumalik sa realidad yung utak ko. Napahiwalay ako sakaniya. "Boyfii."

"Hm, baket?"

Medyo nakakatakot yung pabago bago niyang mood eh.

"Ayaw ko pa umuwi."

Nakatingin lang siya sakin habang namumula pa yung pisngi nya at mata. Ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko.

"Eh, anong gagawin natin?" sabi ko nalang sakaniya...

"Dun muna ako sa bahay niyo."

"Eh?"

"Ayaw mo!?" patay! Ayan nanaman yung tiger look niya.

"Kasi..." inagaw niya sakin yung grocery bags.

"Sige na. Sige na." sabi ko nalang.

****

"Wag kang maingay Mae." Saway ko sakaniya habang sinasara na namin yung pinto ng bahay. Ngisi kasi siya ng ngisi, dahil muka kaming mga magnanakaw dito.

*Bumukas ang ilaw*

At ayun sila. Ang buong angkan ko. Nakapila na parang isang platoon, sa CAT.

"Patay." nasabi ko nalang. Pero imbis na pagalitan, dinumog lang ako ng mga kuya ko.

"Anggaling mo talaga kapatid! Tama ganyang nga!"

Ang dami na nilang sinasabi.

At ayun si Mae, tinatawanan lang ako.

*****

Sa bubong, nakaupo lang kami.

"Boyfii..." sabi niya, habang nakasandal sakin.

"Hm?"

"Maganda ba ako?"

"HAH?! Ah eh..."

"Wag mo na nga sagutin! 11:55 na."

Naramdaman ko nalang na tumayo siya, at pumwesto sa harap ko.

"Oh, bakit?" tanong ko. Pero hindi siya nagsasalita. Eto lang siya, nakaluhod na gumagapang papalapit sakin. Ang poker ng muka niya. Ang ganda. Ang ganda niya.

"Ano ba yun ha?" tanong ko ulit.

"Maganda na ba ako sa ganitong anggulo?" tanong niya bigla.

Sa totoo lang, maganda talaga siya. Ang tangos ng ilong. Yung mata niya, brown na brown. At ang mga lips niya, natural na kulay rosas. At ang wavy niyang buhok.

*Sudded Flashback*

"Maganda ka. Kahit walang effort. Natural kang maganda..."

*End of Sudded Flashback*

Ano nanaman yun? Lately, may boses ng lalake at babae sa isip ko. Pero hindi ko naman kilala yung mga yun.

"Boyfi, anong problema?"

"Waaaaaaaa!"

Napasigaw ako nung bigla nalang ang lapit ng muka sakin ni Mae. Sa sobrang gulat ko na out of balance ako, at natumba ako sakaniya.

"Ah!"

Bute nalang nasalo ko yung bandang ulo niya.

Pero ang awkward lang, kasi ang lapit nanaman ng muka namin sa isat isa. Lalayo na sana ako, pero hinila niya ko sa leeg. Napatingin ako sa mga mata niya. Dahan dahan siyang pumikit.

At hindi ko alam, pero nawala na ang kontrol ko sa mga sumunod na nangyare. We kissed. Sa unang pagkakataon, nagdampi ang mga labi namin.

But how come, that it doesn't feels like... it was the first time...

It All Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon