Chapter 4: Day 4

5 0 0
                                    

*****

"Anlakas ng loob mong magpakita, pagtapos mo kaming hindi siputin  kahapon."

Yun agad ang salubong sakin ni Kenneth, pagdating na pagdating ko dito sa tambayan. Sa tapat ng room namin.

 Sa braders, kami ni Khritian yung magkaklase sa section 5.

Sa section 3 naman, si Kenneth at Martin.

Sa section 4, si Nicoll at Tyron. At sa section 2, si John David. Classmate niya yung girlfriend niya, si Sheila, pati si Anilex, na girlfriend naman ni Khritian, at si Kenny, na tropa namin.

Nasa iisang floor lang kami. Dito sa fourth floor.

"Porket may girlfriend ka narin, nang-iiwan ka na." -Ken

"Hoy. Kenneth. Tigil tigilan mo ko sa pagdadrama mo jan ah. Nagka-emergency lang kahapon" sabi ko sa kanya.

"Hoy Kenneth. Wag ka ng mainggit diyan kay Vinz, magkakalovelife ka din." -Tyron

"Oo nga. Tantanan mo si Vinz, ngayun na nga lang magiging lalake. Hahadlang ka pa." -Khritian

"Buti pa 'to si Khritian" sabi ni Tyron, sabay apir kay Khritian.

"Psh. Kinakampihan ka lang niyan kasi siya din." -Ken

"Hoy! Tigilan niyo na nga yang si Vinz. Ang mabuti pa kilalalanin nalang natin yung babae niya." -Martin

Hay nako. Kung alam niyo lang na hindi ko talaga siya girlfriend.

"Hay nako isa ka pa. May Nomillyn ka na kasi, kaya kumakampi kadin!" -Tyron

"WOOOO!" lahat nakarinig dun sa sinabi ni Tyron

"Nomillyn? Sino yun? Bago yun ah?"

"Pano na si Che?"

"Si Danielle pa?"

"Grabe talaga to si Martin. Iba iba kada week? Mas madalas pa siyang magpalit ng babae, kaysa magpalit ng brief" gatong ko pa sa usapan. Kanya kanya na kami ng comment.

"Hi Ackiran!" sigaw bigla ni Tyron. At paglingon namin, dadaan pala kasi sina Anilex, Kenny at Ackiran samin.

"Tse!" sabi ni Ackiran. Si Kenny naman, umapir lang saming lahat. Member yan ng BRADERS, kahit babae. Si Anilex, ayun nahihiya lang kay Pillos. Weird. Sila na, nagkakahiyaan pa. Di tulad nung akin, hindi ko naman girlfriend, pero hindi man lang mahiya sakin.

(Read "Where Did All Of This Started?" upang makilala ang mga pangalang nabanggit. Paparapapa.)

Nagtatawanan kami nung biglang may lumapit saking lalake.

"Vinz, Vinz" may tumawag saking lalake na mukang kachupoy.

"Oh bakit?" tanong ko sa kanya.

"ETO OH, PINABIBIGAY NG GIRLFRIEND MO!"

Girlfriend? Sinong Girlfriend?

Ano naman to? Papel.

Sunduin moko sa room mamayang uwian, dadalhin moko sa lugar na mabubusog ako ng hindi kumakain. Pag hindi mo to nagawa, magmakaawa ka na kay San Pedro!! -Gerpren mo'ng maganda Ü

Hays. Buong buwan ba kaming ganito? Tae naman eh. May DOTA kami mamaya. Hays. Bahala siya. Hays. Bahala talaga siya.

"Hoy ikaw!" tinawag ko yung nag-abot sakin nung papel. "Sabihin mo sa nagpabigay nato. Neknek niya. Busy ako!"

"Pero sabi niya, di daw ako aalis dito hanggat di ka um-oo!" sabi sakin nung lalakeng mukang pitugo!

"HOY! Kung gusto mo pang maka-alis dito ng buhay, ibalik mo na to sakaniya at hindi ako sasama sa kanya!!!"

It All Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon