Chapter 8: Day 21

4 0 0
                                    

*****

"Wag nga kayong maingay!"

"Dahan dahan naman sa pag abot!"

"Huy baka mangasim yan!"

"Wag ka kasing gigil magbuhos."

"Kuya, paabot nung evaporada."

"Huy Kuya Vhoi, evaporada daw sabi ni Mae."

"Vrando!!!!!! Bumaba ka nga dito, tumulong ka dito!"

Ano ba yung ingay na yon?

Nag inat inat ako ng braso. Pag bangon ko, nandito si Kuya Vrando. Malamang kwarto niya to.

"Bakit?" tanong ko, dahil nakatingin lang siya sakin.

"Wala. May regalo ako sayo. Dahil birthday mo!" sabi niya sabay abot ng isang box.

"Naks kuya. Reregaluhan mo ko, for the first time?"

"Nagreregalo ako sayo every year no!"

"Ah oo! Yung mga happy birthday? Thank you ha!" sabi ko naman.

"Hoy! Seryoso. Bawing bawi na ako sa regalo kong yan. Gustong gusto mo yan eh. Osya. Bababa na ako."

Taon taon naman may regalo sakin yung mga kapatid ko eh. Mga kahon, na ang laman eh gamit ko din naman. Panigurado, ganun din to.

Tinabi ko nalang muna sa drawer ko yung regalo ni kuya.

Gising na kaya si Mae? Tumakbo ako papunta sa kwarto ko, nandun kasi si Mae eh. Dito na siya natulog kagabi. Ayaw niya magpahatid. Kaya di ko narin siya pinayagang umuwi mag isa.

Para na akong boyfriend nito ah? Well, para ko narin naman siyang girlfriend. Pagpasok ko sa kwarto, wala na si Mae dun. Pero yung box kahapon, nakapatong sa kama ko.

*Flashback*

After the kiss. Hinug niya ko. While whisperring, "I miss you Vinz. I love you. Come back, will you? I miss you, really. And happy birthday!"

*End of Flashbook.*

Alam niya na pala na ako ang may birthday. Patay na patay siguro sakin yun, kata pina imbistigahan pa ako.

Sa totoo lang. Madaming patay na patay sakin. Pero iba tong isang to. Pinikot ako. Dare? Sssh. Dun nagsimula lahat ng to. Pano kaya kung hindi niya ako napilit nung araw na yon?

Pero sa ugali naman kasi niya, parang wala siyang sinusukuan. Bigla bigla nalang siyang dumating. Hindi ko siya kilala sa pangalan. Pero kilala ko siya. Kilala ko na siya.

She is demanding. Halatang halata naman yun diba? Lahat ng gusto niya dapat sundin. But she is sweet. Everytime she suprised me with kisses and hugs. Though childish din siya. Could still remember that, tapon-padlock thingy sa restaurant, nung first date namin.

Patient and crazy at the same time. Patient na maghintay sakin, kahit hindi ako nagsabing pupunta. She's a fan girl. Lalong lalo na sa THIS CENTURY. Na muntik pa akong mapagkamalang magnanakaw ng poster.

She's like a bear. Ang hilig niyang mangyakap, pero ang sarap din naman niyang yakapin. Manloloko. She's so tricky. Dalawang beses niya agad ako naloko nung simula palang. Akala mo umiiyak. Akala mo maghuhubad. Hay.

Bully. Nambabatok at nanapak. Burara din. Hinahagis lang yung cellphone. Selosa at sadista. Sobrang selosa, sa mga babae sa perya. Tsaka yung babae sa restaurant. Papiliin daw ba sa ospital at sementaryo?

Mali-mali sa names yan. Ginawang pagkain yung mga pangalan nina Gemma. Yema at Chiquito daw. She's thoughtful. Remember nung gabing umiyak siya sa ulan? Pero binigyan niya ko ng pagkain at letter nun.

It All Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon