Chapter 5: Day 5

4 0 0
                                    

*****

The next day, di ako nakapasok. Masama ang pakiramdam ko e, tinanghali nako ng gising. Di nako papapasukin ng guard sa school. Pagbaba ko, parehas lang nakita ko sa baba. Kaniya kanya ulit sila ng ginagawa. Lahat kasi sila mga dakilang tambay. Ako nalang nag-aaral. Ayaw nila mag-college eh. Pake ko!

Si mommy, naghahanda na ng tanghalian.

"Nak, gising ka na pala." -mom, nakita nya kong pababa ng hagdan.

"Muka ba siyang tulog mom?"-Kuya Vrenon

"Sleepwalk yan, di niya kaya yung moonwalk eh." -Kuya Vhoi

Tawanan sila! Mga luko luko talaga to.

"Tss!" Mom just rolled her eyes. "Vinz bumaba ka na dito. Kumainka na. Okay lang na di ka nakapasok. Natawagan ko narin naman adviser mo."

"Thanks ma." Umupo nako. Ipinaghain ako ni mommy. Yung mga hayup na tambay kaniya kaniya parin ng mga gingagawa.

*DING DONG!*

Who's that pokemon?

"Ako na!!!" presinta ni Kuya Vrylle.

Pero dahil mga walang magawa sa buhay yung mga kapatid ko, ayun isa-isang nagsisunuran. Kalalaking mga tao.

Nakarinig ako ng *wiwit* kaya siguradong chixx yung dumating. Sino kaya sa mga kuya ko, nakabuntis?

Ichecheck ko sana yung phone ko para tingnan kung tinatadtad nanaman ako nung babaeng 'yon. Pero laking gulat ko, kasi isang message lang yung nandun.

Fr: Unregistered number

Im coming by, better get up and get ready. Morning Ü

Uh-oh. Sya na kaya yun? Lumabas ako para tingnan kung sino yung nandun.

"Teka-teka" nakisingit ako sa mga kuya ko. Maliit lang naman kasi yung pinto ng gate (pinto ng gate?! XD)

"Eh girlfriend ko yan eh?"

"HA?" nagulat yung mga kuya ko. Ako din eh, nagulat lang kaya ko nasabi yun

"Bat ka ba nandito?!" bulong ko sa kanya.

"Dinadalaw yung may sakit" sabi niya pa. 

"Sino?"

"Sino ba may sakit sa bahay ninyo? Lahat ba kayo? Ano yan, epidemia na ba yan? Malamang ikaw." - her

"Halika nga sa loob." hinila ko nalang siya sa dining area.

At eto ang pamilya ko, parang mga alien na ngayun lang nakakita ng tao.

"Si Vinz ba talaga ang boyfriend mo miss, baka nagkakamali ka lang.. baka naman iba samin? Pagisipan mo namang mabuti." biro ni Kuya Vincent

Nakakahiya sila.

"Opo. Ako po si Mae." tumayo sya at inabot ang kamay kina kuya at mommy.

Kinukulit siya ng angkan ko. Parang wala na nga ko dito eh. Kaya naisipan ko nalang umakyat ult sa kwarto, tutulog nalang ako. OP ako men. Makapagsoundtrip na nga lang.

Now playing: Come back to me By David Cook

Nahiga muna ko, makaidlip na nga lang.

Konting oras ko palang pinipikit yung mata ko, nung biglang nagiba yung tugtog.

Now playing: Everywhere, everything By This Century

>_____<

Pagdilat ko, nakita ko si Mae na kino-connect yung phone niya sa speakers ko. Nung nakaramdam na nakatingin ako sakaniya, lumingon siya "What? Papalag ka?"

It All Started With A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon