Prologue

152 4 1
                                    

"Once upon a time, there was a princess who wished of having a prince."

"She dreamt of him every single night."

"The princess belongs to a rich, powerful, and broken family."

"She never cared about money, all she cared about was him."

"Power was just a tiny little thing compared to how great her love is for him."

"That prince of hers was a sweet, brave, and loving guy."

"But for the princess, he is the most precious thing in the world."

"They loved each other deeply."

"But one day, everything changed."

"The prince turned his back on his beloved princess."

"The rich princess got hurt and decided to turn away from him."

"They lived in great despair."

"The end."

"Ate ano ba namang klaseng story yan?" Sabi ni Jeo. Malapit na mag hating gabi. Pero ang makulit kong kapatid ay hindi parin makatulog. Kahit baduy, sinabihan ko siya ng isang kwento. Pero mukhang nainis pa siya.

"Maganda naman yung story ah?" Napa-face palm siya sa sobrang inis sakin. Ang saya talaga asarin 'tong si Jeo. Madali kasi mapikon. "Ang pangit nung ending ate! Bakit walang happily ever after?"

Natigilan ako saglit dun. Para sa akin kasi, ganon dapat ang mga ending sa story. Ewan ko ba pero di ako naniniwala sa happy ending.

"Sa totoong buhay, walang happily ever after. Hindi lahat ng ending masaya."

Tumingin siya sakin na parang nagtataka. Bitter na ba masyado?

"Lahat tayo may happy ending. Pero ikaw ate, pinipili mo ata magkaroon ng sad ending."

Grabe. 13 years old palang siya pero ganito na kung mag isip.

"Oo na, oo na. Sige matulog ka na. Good night Jeo."

"Good night ate."

Humiga na siya sa kama niya at natulog na. Nandun lang ako nakatayo at pinagmamasdan siya. Sana nga totoong may happy ending. Pero syempre sana magka love life muna ako.

Single since birth kasi ako. Kahit naman may mga nanliligaw, parang hindi ko pa feel magka boyfriend. Tsaka ayokong masaktan.

Pero ganyan naman kaming mga babae eh. Pinipilit namin maging matapang at palaban para hindi kami masaktan. Pero iba talaga ang nagagawa ng love. Kahit anong barrier ang ilagay mo sa paligid mo para maprotektahan ang puso mo, hindi mo parin maiiwasan masaktan.

Kahit wala pa akong experience sa love na yan, alam kong delikado. Marami narin akong napanood na movie. Laging umiiyak yung bidang babae. Masyadong komplikado.

Katulad nalang sa nangyari kay Mommy at kay Daddy. Iniwan ni Daddy si Mommy para sa ibang babae. Ilang beses nagmakaawa si Mommy pero wala paring nangyari. Talagang iniwan na siya ni Daddy. Hanggang ngayon, galit na galit ako.  Ayoko masaktan ng ganito. Gabi-gabi ko siya naririnig na umiiyak sa kwarto niya. Gabi-gabi rin nabubuhay ang galit ko kay Daddy. Naging matapang at palaban ako. Ayokong dumating yung panahon na masasabi ko sa sarili ko na sana hindi nalang pala ako nagmahal.

Loving Darren SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon