Chapter 13

20 0 0
                                    

ZHALIA'S POV

"Gray.."

"Oh bakit?"

Kanina pa 'tong babaeng 'to. Yung feeling na kinakausap mo siya tapos parang lumilipad yung isip niya. Hangin yung kausap ko. Tapos ngayon tatanongin niya kung bakit?

"Nakaka inggit ka naman eh!"

Nagpout pa ako. Pano ba naman kasi, katext nanaman niya ang ex-crush kong si Darren. At kung maka ngiti, tawa, at hampas siya sakin...wagas! Kinikilig ang gaga.

"Sorry na. Hehe. Eto kasing si Darren, bumabanat ng mga pick up line-"

"STOP IT BRAT!!" Sigaw ko pero tumawa lang siya.

Napatakip ako ng tenga. Halos one year na kaya akong walang boyfriend. Hindi ako sanay!

Nakatingin lang siya sakin at halatang nagpipigil ng kilig. Kanina pa nagvavibrate yung phone niya. Wait, I know that smile of hers. May binabalak siya. Something evil.

"Tara! May date ka!" Aya niya bigla.

"Hey! Don't tell m--"

"Yes! Kaya kung ako sayo, I'm gonna stand up and fix myself. Don't keep him waiting."

Di nga? Siya pa talaga ang naghanap ng date ko. Ang bait bait talaga ni Xandra! Inexplain na kasi niya sakin yung about sa bracelet. In fairness ha! May nameet pa siyang gwapo. Spade ata pangalan nun? Hindi kasi ako mahilig lumabas ng bahay nung bata pa ako kaya malamang hindi ko pa siya nakita.

So ayun nga, nag ayos na kami. Sumakay na kami kay Galaxy at nakarating na kami sa pinaka malapit na Twin Cafe in no time! Excited ata 'tong kasama ko.

"He's here. Tara na."

May isang lalaki na nakaupo sa may corner. Nakatalikod siya kaya hindi ko makilala. Pero familiar siya eh. Si Darren naman ata 'to? Shunga ba si Gray?

"Engot ka ba Gray? Ipagdadate mo kami ng--"

"Hi."

Natigil ang pagsasalita ko dahil nag hi siya. Dun ko lang napagmasdan yung mukha niya.

"Matangkad, maputi, macho, at gwapo."

Nag chuckle siya! Omg! Ang cuuuuute! His eyes were so inviting. Yung tingin niya pamatay! Naka white shirt siya at black jeans. Nakalagay yung dalawa niyang kamay sa front pockets ng jeans niya. One word would absolutely describe him. Gorgeous.

"Ahem. Tama na muna ang titigan at baka matunaw kayong pareho."

Natauhan naman kami sa sinabi ni Gray. Makalaglag panty talaga yung bad boy look niya. Oops! Tama na nga. Baka magalit ang bestfriend ko.

"Ice, this is Zhalia. She's my bestfriend. Zhalia, this is Ice. Kakambal siya ni Darren."

Kaya pala familiar 'to eh. Akala ko pa nga nung una na siya si Darren. Nag shake hands kami.

"You look like a pumpkin."

WTF? Pumpkin? Sa dinami dami ng gulay, pumpkin pa? Aish naman oh! Medyo naging chubby ako kasi nga depressed ako dahil kay Darren. And kapag depressed ako, I eat a lot. When I say "a lot", I mean "a whole damn lot". Pero ang kapal parin ng mukha niya ha! Gwapo nga, mapang lait naman.

"Pumpkin? Did you just call me pumpkin?!"

"Wow. Paulit ulit? Pumpkin na bingi."

Double shit. Ano bang problema nito?

"Monkey!"

"May monkey bang gwapo?"

"Bakit, gwapo ka ba?"

Loving Darren SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon