Chapter 1

43 1 0
                                    

First day of being a 4th year highschool student. Just another boring day. Ayokong pumasok, pero kailangan eh. Bilang tagapagmana ng pamilyang Vroshner, malakas ang influence ko sa school namin. Oo, kami ang may ari ng Vroshner Academy. So kailangan ko talaga pumasok araw-araw kahit ayoko.

Let me introduce myself. The name is Xandra Gray Vroshner. Older sister ako ni Jeo. Kilala ako bilang anak ng may ari ng school pero they don't treat me like royalty. May isa akong hater slash ex-bestfriend. Siya si Zhalia Kate Brooke. Like me, anak siya ng co-owner ng school. So technically, she's as powerful as me.

Our little war started when we were kids. It began with a small bracelet.

~Flashback~

"Hi Zhalia. This is my daughter, Xandra. May she play with you?" Pagpapakilala sa akin ni mommy sa anak ng bestfriend niya.

Pumunta kami sa bahay ng mga Brooke. Dito kami unang nagkita. At syempre diti rin nasira ang lahat.

"Sure Tita Xandy." Pagpayag naman ni Zhalia. Mukha naman siyang mabait eh.

Ngumiti lang ang mother ni Zhalia sa akin bago niya ako hinila papunta sa garden nila. Naglaro kami buong araw. Naghabulan sa garden, nagtaguan sa mansion nila, naglaro ng dolls niya, at nagkwentuhan.

"Zhalia, may you be my bestfriend?"

Nakahiga kami sa kama niya at kumakain ng chocolate-covered strawberries. Napagod na kasi kami sa paglalaro.

"Of course. Simula ngayon, magbestfriends na tayo. You can call me Lia." Sabi niya sabay ngiti.

"Yey! Sure Lia. Call me Gray." Sagot ko naman at ngumiti din.

Pagkatapos nun, umuwi na kami ni Mommy sa mansion namin. Sobrang napagod kasi ako. Minsan ako yung pumupunta kay Lia, pero minsan siya naman pumupunta dito sa amin. We were bestfriends. Until one day, may nangyari.

"Gray! May ibibigay ako sayo."

Lumapit ako sa kanya. Ano yung ibibigay niya?

"Ano yan?" Tanong ko.

"Friendship bracelet natin 'to. Ingatan mo ha?"

Nakangiti siya habang sinusuot sakin yung bracelet. Ang cute kasi color blue and pink yung beads. Pagkatapos nun, naglaro ulit kami. Nagtago ako sa likod ng puno malapit sa kapitbahay nila.

"Anong ginagawa mo dyan?"

Lumingon ako sa likod ko. May batang lalaki na nakatayo dun. May maliit na wall sa pagitan namin. Halos kalahati lang ng height ko.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.

"Ako si Spade. Ikaw?"

"Xandra." Nagpakilala narin ako since nagpakilala naman na siya.

Nagkatinginan kami sandali. Pero nainis ako sa sumunod na sinabi niya.

"Ang cute mo. Mukha kang palaka." Pang aasar niya.

"Palaka pala ha? Ikaw mukha kang daga." Sagot ko naman.

At ayun, nag away na kami. Nag aasaran lang kami nung narinig ko na tinawag ako ni Mommy.

"Ay si Mommy na yun. Uhm, Spade pwede bang.."

"Yakapin kita bago umalis?" Tinuloy niya yung sinabi ko. Gusto ko na talaga siya maging kaibigan.

Ngumiti ako at ngumiti din siya. Kahit may wall sa pagitan namin, niyakap niya parin ako. Bumilis bigla tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nag blush ako.

"Bye Spade."

"Bye Xandra."

Umalis na ako at pumunta sa loob ng mansion. Nakita ko si Lia na nakangiti pero bigla nalang siya umiyak.

"Nasaan na yung bracelet?!" Sigaw niya.

"Nandito sa ka--"

Natigilan ako nung tinignan ko yung kamay ko na sinuotan ni Lia ng bracelet kanina. Nawawala!

"Sorry Lia. Hindi ko sinasadya."

"Wag ka lumapit sakin! Ayaw na kita makita! Ayaw na kita maging bestfriend!"

Tumakbo na siya papunta sa room niya. Nagpaalam na kami ni Mommy at umalis na. Saan ko kaya nawala yun?

Pagkauwi namin, dumeretso ako sa kwarto ko. Iniisip ko parin yung nangyari. Paano ko nawala yun? Humiga ako at umiyak. Nawala na yung bestfriend ko.

Naalala ko nung niyakap ako ni Spade. Nasabit yung kamay ko dun sa halaman sa garden nila. Naalala ko na! Sinabi ko kay Mommy yun at pupunta daw kami dun bukas. Sana mahanap namin yung bracelet.

The next day, maaga kaming umalis ng bahay at pumunta kila Lia.

"Tita Annie, nasaan na po yung pamilyang nakatira dyan?" Tanong ko sabay turo ko dun sa kapitbahay nila.

"Lumipat na sila kaninang umaga. Hindi sinabi kung saan yung bagong lilipatan nila eh. Tinanong ko narin sila kung may nakita silang bracelet dun, wala daw." Paliwanag ni Tita.

Naiyak nalang ako bigla. Saan ba napunta yung bracelet na yun? Paano na ako mapapatawad ng bestfriend ko? Simula nun, ayaw na makipagkita sakin ni Lia. Ayaw niyang maniwala na hindi ko sinasadya mawala yung bracelet na bigay niya.

~End of Flashback~

Habang naglalakad ako sa hallway, naalala ko nanaman yung nangyari. Sana hindi nalang nawala yun.

"Gosh! Look at where you're going brat!" Sigaw ni Zhalia.

Hindi ko namalayan na nabangga ko pala siya. Lumilipad ang isip ko kanina. Pero ngayon, pipilitin ko maging palaban.

"Don't speak like you own the damn hallway. Look, the path's wide enough for the both of us."

"I hate you!" Sigaw niya bago umalis.

Ganyan kami palagi. Kami ang kinakatakutan ng mga babae dito sa academy. Bukod sa mayaman kami, warfreak pa kami. Pero sa kanya lang naman ako nakikipag away ng ganyan.

====================

ZHALIA'S POV

"Ugh! That brat!"

Napasigaw nalang ako nung nakalayo na ako dun sa ex-bestfriend ko. Galit parin talaga ako sa kanya. I hate her so damn much!

"Girls!"

Tinawag ko mga kaibigan ko. Lumapit naman sila agad sakin. Pumunta kami sa isang sulok na wala masyadong tao.

"Let me guess, gagantihan mo na si Xandra?" Pagtatanong ni Shantall.

I gave them a devilish grin. Mas lumapit pa sila sakin.

"You got that right. So here's my plan.."

Loving Darren SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon