Chapter 18

11 0 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas after ng nangyari nung Halloween party. Naikwento narin namin ni Darren yung nangyari kay Zhalia at Ice. Nagulat din sila sa nalaman. Sino naman kaya yun?

Pagkatapos kasi akong iwan nung lalaki na naka maskara, nahanap ako ni Darren. Tinanggal niya yung tali sa kamay ko at yung tape sa bibig ko. Hinatid niya ako sa bahay. Hindi na muna namin sinabi kay Mommy at Jeo kasi siguradong magwawala sila.

Nandito kami ngayon sa bahay namin. Dumalaw kasi si Darren, Ice, at Zhalia dito. Pati narin si Jessa. Nabalitaan ko na nagkaayos na sila ni Jeo. At hindi lang yun! Ang close na nila sa isa't isa.

"Chocolate-covered strawberries?"

Nilapag niya yung bowl na may laman ng chocolate-covered strawberries. My favorite! Isa-isa kaming kumuha ng strawberry. Umupo naman si Mommy sa tabi ko. Nandito kami sa sala.

"So, may plano na ba kayo?"

"Plan for what?" Tanong ni Jeo.

"You don't know?"

Nagtinginan kaming lahat. Wala talaga kaming alam eh. Kumakain lang kami ng biglang napatayo si Mommy sa inuupuan niya at sumigaw.

"Omg!"

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi ba kayo sasali sa singing contest sa VA?"

Natigilan kami sa pagkain. Ano daw? Singing contest? Bakit hindi namin alam?

"Mukhang hindi niyo pa nga alam."

"Yup." Sabi ni Jeo sabay irap.

"As the owner of Vroshner Academy, napag usapan namin ng board at ng principal together with the teachers na mag organize ng singing contest for a cause."

"Anong charity naman yan tita?" Tanong ni Darren.

Napatango kaming lahat at tinignan si Mommy. Umupo siya sa tabi ko at huminga ng malalim.

"May nadiscover kasi akong orphanage na kailangan ng tulong kaya yun ang naisipan ko. Para naman makapag enjoy ang students sa contest while helping the children in the orphanage."

"I'm gonna join." Sabi ko agad.

Napatingin sila lahat sakin. Ano ako? Kriminal? Kung makatingin naman kasi sila parang ayaw nila maniwala na may boses ako.

"Sumali ka sa women's division. At ikaw Jeo, sumali ka sa men's division."

"Ok."

Kumakain lang siya dun. Wow. For the first time hindi nagreklamo ang kapatid ko tungkol sa pagkanta. Actually, parehas naman kaming magaling kumanta pero hindi kasi siya sanay kumanta sa harap ng maraming tao.

Nakatingin lang kaming lahat sa kanya. Akala kasi talaga namin na magrereklamo siya.

"What's with the look? It's for a charity naman kaya sasali ako. I'm doing this for the children."

Napa nganga kami. Oo nga pala, mahilig siya sa mga bata. Naman oh! Kaya madaming humahabol sa kanya na mga babae eh.

"Tita, sali kami ni Ice sa male group division." Sabi naman ni Darren.

Nag apir pa sila ni Ice. Siguro marunong din kumanta si Ice. Maganda kasi boses ni Darren eh. Kambal sila kaya hindi naman siguro malayo ang quality ng boses nila diba?

"Kami din ni Jessa. Sa female group division. Diba Jessa?" Sabi ni Lia.

"Game!"

Natawa kaming lahat. Si Jessa kasi eh. Haha. Pagkasigaw niya ng "game" ay natamaan niya yung mukha ni Jeo. Halos mahulog pa siya sa upuan.

"Yey! Ako na magreregister sa inyo." Tuwang tuwa na sabi ni mommy.

Umalis agad siya at sinabing pupunta daw sa school. Hahaha. Ireregister na nga talaga kami.

Nag uusap usap lang kami about sa kakantahin namin. Inabot na nga kami ng gabi sa kakaisip eh. Ang kalat narin sa sala kasi puro pinagkainan na chichirya.

"Yes! Tapos na!"

Tapos na kami magplano ng kakantahin, susuotin, instruments na gagamitin, pati effects sa stage, and pakulo sa audience. Lahat kami excited kasi next week na pala kailangan ng orphanage yung tulong namin kaya next week narin yung contest. Yung mapapanalunan ng kahit sino sa contest na yun ay mapupunta sa orphanage.

Pagpasok namin the next day sa school, halos lahat ng studyante ay pinag uusapan yung contest. Masaya kaming lahat. Mahilig kasi ang school namin na mag charity work na involved ang students para narin daw sa development ng pakikipag kapwa tao. Oh diba? Syempre si Mommy lahat ang nag aasikaso sa charity work. Tumutulong lang kami ni Jeo.

Friday next week magaganap yung contest. So meron kaming 6 days para magpractice. Hindi ba parang ang bilis? Hahaha. Ganon talaga kasi kailangan na ng orphanage eh. May isang bata kasi dun ang may malubhang sakit.

Loving Darren SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon