Chapter 17

11 0 0
                                    

<SECRET>'S POV

Mukhang masaya si Xandra at Darren. Sulitin na nila yan. Ihanda na nila ang pagharap sa akin.

"Cr lang ako." Paalam ni Xandra sa boyfriend niya.

"Sige. Bilisan mo."

Pagkakataon ko na ito. Sinundan ko siya papunta sa cr at nagtago sa malapit. Hinintay ko siyang lumabas.

"Hoy! Sino ka?!"

Buti nalang naka mask ako kaya hindi niya ako nakilala. Masyadong maingay 'tong babae na 'to. Nilagyan ko ng tape yung bibig niya. San ko nakuha yung tape? Aba! Lagi akong handa noh.

Binuhat ko siya papunta sa madilim na parte ng school, medyo malayo sa mga classrooms. Tinali ko siya sa isang puno. Parang garden kasi 'to sa likod ng school.

Kinuha ko yung phone niya mula sa pouch niya. Tinawagan ko si Darren.

*calling Darren

(Hello Moon?)

"Moon? Hahaha. Korny niyo naman. So ikaw pala yung boyfriend ni Xandra."

(Oo ako nga. Sino ka ba? Bakit nasayo yung phone niya? Asan siya?)

"Woah. Chill bro. Kasama ko siya ngayon."

(Asan kayo?!)

"Alam mo Darren, ang swerte mo. Ang sexy talaga ni Xandra. She has a hot body."

(Walangya ka! Wag mong hahawakan girlfriend ko!)

"Ang bango niya pa. Hehehe."

Natawa ako ng konti. Ang sarap kasi mang asar eh. Hinayaan ko siyang magmura ng magmura. Lumapit ako kay Xandra at sinampal. Narinig naman yun ni Darren.

(Sabing wag mo siyang hahawakan eh!)

"Sige, kausapin mo siya."

Nilapit ko yung phone kay Xandra. Tanga ko lang. Pano siya magsasalita kung may tape sa bibig niya. Hindi na ako nag iisip eh.

Tinanggal ko yung tape. Pero binalik ko din agad kasi muntik na niya masabi kay Darren kung nasaan kami. Pahamak siya grabe.

(Sino ka ba?! Tangna mo pare!)

"Ako? I'm your worst nightmare."

*call ended

Tinapon ko yung phone niya sa garden. Hinalikan ko si Xandra sa noo bago umalis. Bigla naman siyang natigilan.

Xandra, ang tagal kong naghintay. Hinanap kita kung saan saan. Andito ka lang pala. Humanda kayo. Tignan natin kung gaano niyo kamahal ang isa't isa.

Loving Darren SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon