Chapter 5

21 0 0
                                    

The next day, Thursday.

"Good morning ate!"

"Morning."

Napadaan pala si Jeo sa tapat ng kwarto ko, saktong kakagising ko lang. Dumeretso na ako sa baba para kumain ng breakfast. Hmm, ang bango! Sigurado akong nagluto nanaman si Mommy ng masarap na breakfast.

Umupo na kami ni Jeo sa dining table. Medyo magulo pa buhok ko kasi hindi pa ako nakakapagsuklay. Pagkatingin ko kay Jeo, napanganga nalang ako. Naks! Ang gwapo pala ng kapatid kong 'to lalo na pag bagong gising with a messy look. Napansin niya ata na nakatitig ako sa kanya kaya tumingin siya sakin. Ngumiti pa ang loko. Sa totoo lang matagal ko ng alam na hearthrob siya sa batch nila. Pati naman ata sa higher years eh. First year palang kasi 'to.

"Ate baka matunaw ako niyan?"

"Ang gwapo mo kasi Jeo! Hahaha. Siguro habulin ka ng chicks noh?"

Napayuko naman siya bigla. Nahiya siguro. Haha. Totoo naman kasi na gwapo siya eh. Syempre mana sa ate na maganda! Napansin kong umiiwas siya sa tingin ko. Hala! Namumula na siya. Siguro nga habulin 'to ng babae.

Naglagay na si Mommy ng plato sa harap namin. Pancakes! Favorite ko 'to eh. Kumain na kami at nagkwentuhan ng konti.

"Xandra at Jeo, umakyat na kayo at mag ayos na. Baka malate pa kayo. Mauna na ako ha? May early meeting kasi sa VA. I love you mga anak."

Lumapit siya sa amin at niyakap kami ng sabay. Ang higpit grabe.

"I love you mommy."

Pagkabitaw niya sa yakap, hinalikan ko siya sa pisngi at sinabi yun. Sumunod naman ang kapatid ko.

"Love you mom."-jeo

Umalis na si Mommy at nagprepare na kami ni Jeo para pumasok. Ganyan kami lagi pag umaga. Sinabi ko narin kay Manong (driver ko) na ako na ang magmamaneho papunta sa school. Pasakay na ako sa kotse ko nung tinawag ako ni Jeo.

"Ate!"

"Oh?"

"Pasabay."

At dahil mahal ko 'tong kapatid ko na 'to, pinasabay ko na siya sakin. Nagkulitan lang kami buong byahe. Ganon kami maglambingan eh. Nagpark na ako sa parking lot ng school at sabay kami pumasok. Hinatid ko pa siya sa classroom niya.

"Hi miss." Bati nung isang lalaki sa hallway.

"G*go ka pare. Ate ko yan."

Nagulat ako sa sinabi ng kaklase ni Jeo sakin. Sabagay, hindi kasi kami masyadong nag uusap ng kapatid ko dito sa school. May binulong siya sakin.

"Hayaan mo nalang sila. May crush kasi sila sayo. Yung iba inggit pa kasi inaakbayan ako ng isang magandang babae."

"Che! Hahaha. Sige text mo nalang ako mamaya kung sasabay ka sakin pauwi. Punta na ako sa room namin."

Inakbayan ko kasi siya kanina habang naglalakad kami papunta sa classroom nila. Kaya pala maraming nakatingin sakin ng masama. Kahit kasi alam nila na magkapatid kami, hindi nila maiwasan mainis. Hindi ko naman sila masisisi, si Jeo kasi ang pinaka gwapo sa mga first year students.

Pagkapasok ko sa room namin, bigla akong nabangga ni Zhalia. Ay mali, sinadya niya pala na banggain ako. Umagang umaga ito pa makakaharap ko. Nakaka bad vibes.

"Harang sa daan! Move it brat!"

"Ang laki ng daanan oh. Ganyan ka na ba kataba kaya hindi ka kasya?"

"Ugh!"

Tinulak niya pa ako sa likod bago dumaan. Pagkadaan naman niya sa harap ko, ngumiti siya sakin. Baliw na ata.

During the first two subjects, napansin ko na parang nagpipigil ng tawa yung mga kaklase ko. Weird.

Ngayong recess, pumunta ako sa canteen para bumili ng pagkain. Habang naglalakad ako pabalik sa classroom, pinagtatawanan na nila ako. Bakit ba?

After recess, ganon parin. Nakakabadtrip na. May dumi ba ako sa mukha? Kinuha ko yung maliit na pocket mirror ko, wala namang problema sa mukha ko. Ah! Baka naman masyado lang akong maganda. Pero bakit nila ako pinagtatawanan?

Lunch break..

"Miss Vroshner, kailangan mo ng tulong?"

"Ha?"

"Hahahahahahahaha!"

Problema nito? Naglalakad ako sa hallway ng may magsabi sakin niyan. Tulong saan? Nakakapagtaka na talaga. Itext ko na nga lang si gwapo.

(Gwapo meet tayo sa rooftop now na.)

Tumatakbo na ako papunta sa rooftop. Dito lang kasi ako matatahimik. Dito kasi walang tao. Napaisip ako bigla, kahit pala gaano ako kayaman o kasikat, tao parin ako. Napapagtawanan, napapahiya, at natatakot. Kahit kami ang may ari ng school, hindi ko parin maiiwasan ang mga kahihiyan. Gwapo nasaan ka na?

Umupo ako sa isang tabi at tahimik na lumuluha. Hindi sa lahat ng oras ay matapang ako. Ayokong pinagtatawanan ako. Wala naman akong ginawa sa kanila para gawin nila sakin 'to.

"Ganda.."

"Darren, bakit ba nila ako pinagtatawanan?"

Pumunta siya sa likod ko at may kinuha. Parang papel. May papel na nakadikit sa likod ko?

"Sino ba nagdikit nito sa likod mo?! Humanda siya sakin."

Kinuha ko sa kanya yung papel. Pinunit na niya kaya medyo nahirapan akong basahin. Pinagdikit ko pa kasi eh. At ito lang naman ang nakasulat:

HELP ME GUYS!!

VIRGIN PA AKO!!

TAKE ME HOME PLEASE!!

What the?! Kaya pala iba yung tingin sakin ng mga lalaki kanina. Tapos pinagtatawanan ako ng mga babae. Sh*t!! Oo virgin pa ako, pero never akong magpapatulong noh! Hindi ako ganong klaseng babae.

Naisip ko din na si Zhalia ang may gawa nito. Diba nga kasi tinulak niya ako sa likod kanina? Tapos bigla siyang ngumit sakin. Haaays. Siya nanaman.

"Gusto mo ihatid na kita sa bahay niyo?"

"Hindi. Papasok parin ako. Pag umuwi ako baka isipin nila na mahina ako. Thank you for coming."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap din niya ako. Ganyan lang kami hanggang sa magring na yung bell. Since kaklase ko naman siya, tinabihan niya ako sa tatlong subjects hanggang dismissal. Buti nalang nanjan siya. Buti nalang talaga.

(Ate pasabay ulit pauwi. Nandito na ako sa parking lot.)

Nagtext si Jeo. Sinabi ko na kay Darren na hindi na ako magpapahatid sa kanya kasi sabay kaming uuwi ng kapatid ko. Nasabi ko narin na dala ko naman yung kotse ko. Inakbayan niya ako habang papunta kami sa parking lot, lagi niya dala yung kotse niya eh.

"Ate, boyfriend mo?"

"Hindi noh. Kaibigan ko lang hehe."

"Uhm, dude! Halika!"

"Dude ka dyan??" Mas matanda yung tao pero tinawag lang niya na dude? Adik din 'tong kapatid ko e.

Nginitian lang ako ni Jeo at tinawag si Darren. Ano kaya iniisip nito? Protective kasi masyado sa ate niya hahaha.

"Ano pangalan mo?"

"Darren Sky Cervantes, bakit?"

"Ako si Jeo Adrian Vroshner, younger bro ni Xandra."

"Nice meeting you dude."

Nag fist bump pa sila. Close na agad? Wow lang ha! Ganyan talaga si Jeo. Xandra ang tawag niya sakin pag nasa school. Hindi daw kasi cool pag tawag siya ng tawag sakin ng ate. Speaking of Jeo, masungit 'to pagdating sa ibang tao except sa mga barkada niya. Mysterious ika nga.

Nagdrive na ako pauwi. Buti nalang nasa bahay na si Mommy para magluto ulit ng masarap na pagkain! Chef kasi siya eh hehe.

Nakakadalawa na si Zhalia. Sana matapos na 'to.

Loving Darren SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon