kwaderno

4 2 0
                                    

Filipino:
"Ako'y isang notebook,
Notebook sapagkat ako'y iyong...

Matatakbuhan,
sa panahong hindi muna kaya.
Masusulatan,
o masasabihan ng mga bagay na hindi mong kayang ilahad sa mga tao.
Maaasahan,
sa mga bagay na ayaw mong kumalat o malaman nila.

Ako ay handang hintayin ang iyong pagtakbo sa akin ng nakabukas ang mga kamay, mga kamay na handang mapagod sa paghagod sa buhok mo.

Ako ay handang isara ang anumang takip ang aking magagamit upang itago ang mga sinabi mong hindi ko karapatang ipagsabi ngunit karapatan ko lamang magtago.

Ako ay handang magbukas upang makita mo muli ang iyong mga nasulat o nasabi upang matuto dito, iyakan, o tawanan ang mga ito.

Ngunit ito ang dapat mong tandaan, ako ay isang notebook na may limitasyon sa pahina... mga pahina na iyong pwedeng sulatan, mga pahinang nauubos sa bawat pagsubok ng buhay mo.

Ako'y napapagod din, ako'y mauubusan din.

Ako rin ay nangangailangan ng taong matatakbuhan.

Ngunit sa limitasyong iyon ay maasahan ko akong itago at pahalagahan ang mga nilalaman ng aking mga pahina.

Handang pangahalagan ka.

Handang mahalin ka sa panahong hindi ko na kaya.

Ako'y handa para sa iyo, sa inyo.

So bring it on."

-ipobtinalla
//no translations//

As She Authored *Where stories live. Discover now