Chapter 1

139 8 7
                                    

 "Bakit ba kasi galit na galit ka sa mga Jejemon? Ma kuntento kana sa anyo mo Julie! Panget ka na nga, Choosy ka pa! Tandaan mo, Walang gwapong lalaki na nangarap magkaroon ng isang katulad mong panget! Kaya sa jejemon ka na lang! Leche!"  TADADADADADA!! Ang ingay ng bibig ng kaibigan ko, Si Miriam A. Balde, For short ay Mirabalde, Ang dakilang tanga. Ewan ko ba kung paano ako nakatagal sa babaeng ito, Pero kahit tanga to, Mahal ko parin 'to. 

Naglalakad kami ngayon papauwi sa bahay, Hindi ko na lang pinakikinggan yung bunganga ng katabi ko na si mira. Napahinto kami ni mira sa tabi na nagtintinda ng Mga bawang at asin, Nang makakita kami na may naglalakad na Grupo ng mga Sugpo, este ng mga lalaki na naka Varsity jacket, Yung iba naka shades pa, At may naka sabit pa na Domo na bag, Nakatali pa sa leeg nila yung mga panyo at yung iba naninigarilyo. Grupo ng mga jejemon for short, Papunta sila sa direksyon namin, Wag na wag silang magkakamali na dumikit saamin, Hinding hindi ako mag dadalawang-isip na Pumatay ng hayop! 

"Oh, Pili ka na ng isa dyan besh."  Bulong saakin ni mira habang nakatingin kami sa kanila.

"Tumahimik ka kundi idodonate kita sa kanila."  Bulong ko. Mas tumayo ang mga balahibo ko ng Huminto sila sa harapan namin, At yung isang lalaki sa gitna, O yung Leader yata ng gang nila ay tinangal niya yung shades niya at ngumiti saakin. Wala siyang tatlong ipin sa harapan, meron natira dalawa yung isa, Yellow, Yung isa naman Black. Aww masyadong makulay ang buhay niya. Hihihi.

"eLlow, pwEde mAki pAg Pwendss? H3h3h3h3."  Sabay kindat saakin nung jeje, Nararamdaman ko na ang kulo ng dugo ko.  Hindi ko na natiis, Kinuha ko yung Dalawang bawang na nagtitinda sa tabi namin, At asin.

"Peymus ako! At Snob ako!"  Saad ko at agad kong binato yung dalawa kong bawang sa kaniya at tinapunan ko siya ng asin.

"pHuuaRa x4an yHun??" Saad niya ng binato ko siya ng bawang, "phuAra s4 asWang lhuaang YowN." Dagdag pa niya.

"Para sa kaluluwa mo! Dahil mas ma saklap pa yang anyo mo sa aswang!" Saad ko at kinaladkad ko papauwi si mira sa bahay.

***

"Dalaga kana julie, Pero wala ka parin boyfriend." Banggit ng Ate ko.

"Eh kasi nga, Panget. Panget na nga, Tapos ang choosy-choosy pa. ." Dagdag ni Mira.

"Alam mo ikaw!" Tinangal ko yung tsinelas ko at itinaas na kunawari papaluin sa ulo si mira, "Kanina ka pa panget ng panget ha! Nakaka offend ka na, Atleast naman ako may talino, Eh ikaw? Ang laki laki ng ulo mo wala namang laman!" Saad ko at inirapan siya.

"Hoy julie, Pati ako dinadamay mo sa init ng ulo mo, Nakakita ka lang ng jejemon kanina eh." Saad niya at ininom ko yung chocolate drink ko habang nasa table ako nagpapalamig ng ulo.

"Ahh, Ang sarap, Ang lamig pa, Ang sarap naman neto, Ano to?"  Tinignan ko yung baso na iniinom ko, "Choco na gatas o Gatas na choco?" Tanong ko. Nagulat ako ng biglang sabay na tumayo ang ate ko tyaka si Mira sa kinauupuan nila, Nagtinginan sila at tumango, Kinuha ni mira at ni ate yung bote na may chocolate drink rin.

 "Choco na gatas na choco na may ice!"  Mas kinagulat ko ng kumanta si Ate habang inaalog yung bote na hawak niya. "Gatas na Choco na gatas na may ice!"  Kumanta rin si Mira habang shina-shake yung bote nila.

"Bear brand choco na gatas na may ice!"  And this time, Nag duet na sila, Biglang umikot si mira habang sumasayaw. 

"Ang sarap ng bear brand choco na may ice!"  Pagkatapos ng kanta ay nag split si ate at itinaas ni mira ang isa niyang paa. Umiling na lang ako at hinawakan ang ulo ko. Lintik tong mga to.

 ------------------------------------------------

Ayun lang muna, HAHAHA. Atleast meron ng chapter 1, So yung chapter 2, Ipupublish kapag nag Vote & Comment kayo! Alam na ha. Hahahaha! Sa chap 2, Abangan niyo ang mga bagong characters. Btw, Follow niyo po yung kasama ko sa gumawa ng story ---> @iamCheskyy malawak imahination niyan!! HAHAHA. Salamat! 

My Boyfriend is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon